^

PSN Showbiz

Sarah naudlot kay John Lloyd sa Valentine!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dapat ay may follow-up movie sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa kanilang ikaapat na pagtatambal pero mauuna pa raw ang unang tambalan sa pelikula ng pop princess at ng hunk actor na si Piolo Pascual na siyang Valentine offering ng Viva Films at Star Cine­ma.

Subok na sa box-office ang tambalan nina Sarah at John Lloyd na kanilang pinatunayan sa tatlong pelikulang kanilang pinagtambalan, ang A Very Special Love in 2008, ang You Changed My Life in 2009 at ang It Takes a Man and a Woman in 2013 na kumita ng halos P400-M.

Early this year ay ipina­labas naman ang unang tambalan nila ni Coco Martin, ang Maybe This Time na naging blockbuster din sa takilya. Napabalita na ang kasunod na pelikulang gagawin ng nobya ni Matteo Guidicelli ay ang balik-tambalan nila ni JLC na nakatakda sanang magsimula last July pero magtatapos na ang taon ay walang bagong movie project si LJC with the pop princess. Ito kaya ang dahilan kung bakit nagtatampo umano ngayon ang nobyo ni Angelica Panganiban sa kanyang home studio?

Marvin hindi kayang talikuran ang ‘first love’

Kung gugustuhin ni Marvin Agustin na talikuran ang showbiz ay kaya na nitong gawin dahil sa kanyang pagiging successful restaurateur pero hindi puwedeng talikuran ng actor-businessman ang kanyang unang pag-ibig, ang pag-arte dahil dito siya unang nakilala at nagkapera.

Gaano man kaabala si Marvin sa kanyang mga itinayong negosyo with his business-partner friends, hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-arte sa harap ng kamera.

Si Marvin ay nasa pelikulang Moron 5.2 The Trans­formation, sequel sa hit movie nila nina Luis Manzano, Billy Crawford, at DJ Durano na idinirek ni Wenn Deramas for Viva Films. This time ay bagong karagdagan sa cast ang nobyo ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

Balik-Kapamilya rin si Marvin matapos niyang maging Kapuso at Kapatid dahil balik-tambalan sila ng kanyang dating ka-love team na si Jolina Magda­ngal sa pang-umagang te­leserye, ang Flordeliza na ididirek din ni Wenn Deramas.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ANGELICA PANGANIBAN

BILLY CRAWFORD

COCO MARTIN

MARVIN

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

VIVA FILMS

WENN DERAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with