^

PSN Showbiz

Kabagu-bago lang na kapamilya Nadine Samonte mas gustong unahin ang honeymoon kesa trabaho

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung kelan bagong pasok pa lamang si Nadine Samonte sa top-rating TV drama series na Hawak-Kamay ay saka naman daw ito hindi available for taping dahil mangingibang-bansa umano ito with her husband na si Richard Chua (anak ng aktres na si Isabel Rivas) to ce­lebrate their first wedding an­niversary on October 30). Kung hindi kami nagkakamali, sa Bali, Indonesia ang kanilang tungo at matagal na umano itong nakaplano.

Kapag hindi pinaboran ni Nadine ang kanyang bagong trabaho sa ABS-CBN, malamang na ma­­hirapan na siyang magkaroon ng follow-up project sa nasabing TV network unless alam ito ng produksiyon beforehand.

Expired na ang three-year contract ni Nadine sa TV5 kaya malaya itong nakapag-guest sa long-running weekly drama anthology ng Dos, ang Maalaala Mo Kaya. Hindi lamang kami sigu­rado kung pumirma na ng kontrata si Nadine sa ABS-CBN kung saan siya unang nagsimula nang siya’y sumali sa Star Circle Quest years back pero sa reality artista search na Starstuck 1 ng GMA siya napansin.

Maxene ‘iniwan’ na ang mga kapatid

Mula sa kanyang pagiging Kapuso, ang panga­nay na anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na si Maxene Magalona ay lumun­dag na rin sa pagiging isang Kapamilya at meron na agad itong isang TV series project, ang Dear Dad kung saan niya rin kasama sina Zanjoe Marudo, Gloria Diaz, at iba pa.

Kung isa nang Kapamilya si Maxene, nanatiling Kapuso naman ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na sina Elmo at Frank Magalona.

John Lloyd pinalitan na ni Xian Lim sa Bridges

Speaking of Kapamilya, maraming mga bagong prog­rama ang niluluto ngayon ng ABS-CBN na ma­la­mang i-launch nila sa pagpasok ng bagong taon (2015). Na­riyan ang Nathaniel nina Gerald An­der­son at Shaina Magdayao, ang Bridges na pag­sa­samahan sana nina Jericho Rosales,  Maja Sal­vador pero umatras umano si John Lloyd Cruz at siya’y pinalitan ni Xian Lim. Makakasama rin sa na­sabing serye si Carmina Villarroel at ang balik-ABS-CBN na si Edu Manzano at ang A Family Sto­ry na tatampukan ng balik-tambalan nina Ri­chard Gomez at Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, JC de Vera, at Tonton Gutierrez na pamamahalaan ni Jerry Sineneng, ang Flordeliza na magsi­silbing reunion project ng (dating) magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na pa­mamahalaan ni Wenn Deramas at siyang ma­ka­kapalit ng malapit nang magtapos na morning TV series na Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at ang TV remake ng Pa­­ngako Sa `Yo na tatampukan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama si ­Angelika Pa­nga­­niban at malamang na makasama rin si Denise Laurel.

Unang choice umano si Jodi Sta. Maria sa papel na Amor Po­wers pero nag-beg off daw ito dahil gusto muna nitong magpahinga pagkatapos ng Be Careful with My Heart na halos tatlong taon niyang ginagawa.

vuukle comment

A FAMILY STO

AMOR PO

BE CAREFUL

JODI STA

MY HEART

NADINE

SHY

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with