^

PSN Showbiz

Lalayas muna ng ‘Pinas, Billy babalikan ang career sa Europe

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May paliwanag kahapon si Billy Crawford sa presscon ng Moron 5.2, The Transformation tungkol sa kanyang international singing career.

Hindi totoo na kinalimutan o inabandona ni Billy ang kanyang international singing career. Nagkataon daw na may mga commitment siya sa Pilipinas at kontrata sa ABS-CBN na dapat i-fulfill.

Sikat na singer si Billy sa Europe bago siya nag-decide na manatili sa Pilipinas. Matagal na pumirmi Billy sa New York at dito kami nagkita. Kasikatan niya sa Europe bilang singer nang mag-meet kami noon sa New York.

At ngayon nga ay nagbabalak siyang umalis ng bansa para balikan ang career sa Paris.

Renee Zellweger tumanda sa bagong hitsura

Hindi ko nakilala ang Hollywood actress na si  Renee Zellweger nang makita ko kahapon ang litrato niya sa lunch date namin ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano.

Ibang-iba na ang face ni Renee na sumikat noon dahil sa kanyang mga pelikula na Bridget Jones’s Diary. Hindi lang basta niretoke ang mukha ni Renee dahil talagang nagbago ito.

Kahit nagpaayos ng mga mukha ang mga local actress na sina B, F, at M, mababanaag pa rin ang kanilang mga natural na itsura.

Pero dedma si Renee sa mga reaksyon at opinyon ng mga tao tungkol sa kanyang  mukha na nagkaroon ng shocking total transformation ala Moron 5.2, The Total Transformation.

Parang enjoy na enjoy pa siya dahil napansin ng madlang-bayan ang kanyang nagbago na itsura. Ito ang sey ni Renee sa isang interbyu: “I’m glad folks think I look different! I’m living a different, happy, more fulfilling life, and I’m thrilled that perhaps it shows.

“It seems the folks who come digging around for some nefarious truth which doesn’t exist won’t get off my porch until I answer the door.

“My friends say that I look peaceful. I am healthy. For a long time I wasn’t doing such a good job with that. I took on a schedule that is not realistically sustainable and didn’t allow for taking care of myself.

“Rather than stopping to recalibrate, I kept running until I was depleted and made bad choices about how to conceal the exhaustion. I was aware of the chaos and finally chose different things.

“People don’t know me (as) healthy for a while. Perhaps I look different. Who doesn’t as they get older?! Ha. But I am different. I’m happy.”

May mga tao na kagaya ni Renee na hindi kuntento sa kanilang mga dating itsura pero sa totoo lang, mas maganda siya noon kesa ngayon. Ang tanda-tanda na ngayon ng face ni Renee, kahit 45-years old lamang siya at kaedad niya si Ogie Alcasid.

Kasalang Pinky and Juancho nagbago ng venue, mas mapapaaga na rin

Mapapaaga ang kasal ng aking bestfriend Pinky Tobiano kay Juancho Robles.

Hindi na matutuloy ang wedding ng dalawa sa Balesin Resort sa January 2015 dahil napagkasunduan nila na magpakasal sa darating na October 28 sa Grand Canyon, Arizona.

Isang private wedding ang magaganap dahil less than 15 lamang ang invited guests.

Asang-asa pa naman ako na makakarating ako sa Balesin sa January 2015 kaya humindi na ako nang magtanong sa akin si Heart Evangelista kung type ko na dumalo sa Balesin wedding nila ni Senator Chiz Escudero sa February 15, 2015.

Nag-promise naman si Pinky na pupunta pa rin kami sa Balesin kapag maluwag na ang aming mga schedule. Kahit hindi na mangyayari ang kanyang pagpapakasal sa Balesin, ninang pa rin daw nila ako ni Juancho sa kasal.

Mga ninong at ninang sa intimate wedding nina Juancho at Pinky sa Grand Canyon si Congresswoman Gina de Venecia at si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

vuukle comment

BALESIN

BALESIN RESORT

BILLY CRAWFORD

GRAND CANYON

NEW YORK

PINKY TOBIANO

RENEE

RENEE ZELLWEGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with