^

PSN Showbiz

Nadine sa farm ikinasal, one year nang misis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang buong akala ng marami ay engaged to be married pa lamang ang dating Kapuso star na si Nadine Samonte sa kanyang fiancé na si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng actress-businesswoman na si Isabel Rivas. ‘Yun pala ay mag-iisang taon nang mag-asawa ang dalawa ngayong October 30 dahil ikinasal na ang dalawa sa farm mismo ni Isabel sa Zambales last October 30, 2013.

Sina Nadine at Richard ay pangalawa kina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na naitago sa publiko ang pagpapakasal na umamin din kalaunan.

Si Richard ay nag-propose kay Nadine sa may poolside ng Sofitel Hotel July of last year kasama ang kanilang respective moms at brother ni Nadine. Ang buong akala lamang noon ni Nadine ay magku-coffee sila sa nasabing hotel. Three months later ay nagpakasal sila sa Zambales farm ni Isabel Rivas na dinaluhan ng kanilang respective families at close friends.

Mga anak ni Ricardo kay Snooky may dalawang bagong kapatid sa karelasyong ex-beauty queen ng aktor

Smooth-sailing ang relasyon ngayon nina Ricar­do Cepeda at dating model-beauty queen na si Marina Benipayo. Ang dalawa ay parehong estranged sa kanilang respective partners kung kanino sila may tig-dalawang anak. Two boys kay Marina sa kanyang ex-husband at dalawa namang anak na babae meron si Ricardo sa ex-wife niyang si Snooky Serna.

Ang maganda sa relasyon nina Ricardo at Marina, kapwa sila close sa kanilang respective children ga­noon din ang mga bata na animo’y tunay na magkakapatid. Nagkaroon ng instant two sisters sa mga anak nina Ricardo at Snooky ang dalawang anak ni Marina ay nagkaroon naman ng instant two brothers sina Samantha at Sachi.

Si Ricardo ay kasama sa cast ng Ilustrado, ang kau­na-unahang bayaniserye ng GMA na mag­sisimu­lang mapanood ngayong Lunes, October 20 sa Primetime Bida ng Kapuso Network.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ISABEL RIVAS

JENNICA GARCIA

KAPUSO NETWORK

MARINA BENIPAYO

NADINE

NADINE SAMONTE

PRIMETIME BIDA

RICARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with