^

PSN Showbiz

Dahil sa sobrang stress at migraine, AiAi tinamaan ng Bell’s Palsy

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK:  Nasalubong namin si Don Allado sa isang gym  kamakalawa ng gabi at napasimangot siya nang nalaman niyang gusto namin siyang kunan ng sagot tungkol sa issue nila ng asawa niyang si Maricar de Mesa.

Napakibit-balikat lang ito, at ayaw na raw niyang magsalita. Ibinigay sa amin ang numero ng abogado niya para hingan ng statement.

Nagpadala kami ng text message sa kanyang abogado pero tumanggi rin itong magsalita. Busy daw siya at hindi raw siya puwedeng magsalita sa publiko dahil confidential daw dapat ito.

PAK: Pagkatapos lumabas ang isyung papasok si Kobe Paras sa basketball sa UCLA at ang posibleng pagpasok sa NBA, nabuhay na naman ang isyu nina Jackie Forster at Benjie Paras.

Naglabas si Jackie ng mahabang statement sa kanyang Instagram account kung gaano siya ka-proud bilang ina ni Kobe, ngayong malapit na nitong ma-penetrate ang basketball sa Amerika.

Sinabi ‘nyang nakuha nga raw ni Kobe ang hilig sa basketball pero ang pagiging athletic ay sa kanya raw at ang mukha nito na hindi raw madi-deny na siya ang ina.

Bahagi pa ng kanyang statement: “The audience in the US are not as narrow-minded as those judgemental ones in the Philippines so those people will not deny me as his mother. I am a US citizen that was denied my rights as a mother in the Philippines. I hope his father realizes this will all come to haunt them soon enough. So stop being immature. I’m proud of my son.”

Ayaw nang patulan ni Benjie itong mga huling pasa­ring ni Jackie. Ang gusto lang nila ay makapag-concentrate nang maayos si Kobe sa kanyang pag-aaral sa Amerika, na hindi ito maapektuhan ng kung anong kanegahan.

BOOM: Nakumpirma namin sa isang reliable source na nagkaroon pala talaga ng Bell’s Palsy si AiAi delas Alas, pero magaling na raw ito ngayon.

Matagal ding nasa hospital ang box-office queen pero hindi sinasabi kung ano ang sakit niya.

Bumalik siya sa shooting ng Past Tense ng Star Cinema pagkalabas niya ng hospital pero marami ang nakapansin na parang tinatakpan nito ng buhok ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Medyo tabingi pa pala ‘yun.

Pero nu’ng kamakalawa lang ay nasa shooting siya uli at nagpu-post na siya sa kanyang IG account, okay na okay na ang mukha niya at magaling na ito.

Dala na rin ng stress at ang migraine niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy. Kaya iniiwasan na rin ni AiAi na nakatutok sa kanya ang electric fan o buga ng aircon dahil isa rin ‘yun sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy.

vuukle comment

AMERIKA

BENJIE PARAS

DON ALLADO

JACKIE FORSTER

KOBE

KOBE PARAS

PAST TENSE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with