^

PSN Showbiz

Kaye miss na miss na si John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Gusto ni Kaye Abad na muling makatambal sa isang proyekto si John Lloyd Cruz. Matatandaang tinangkilik ang tambalan ng dalawa sa Tabing Ilog noon. Minsan ay napag-usapan na raw nina Kaye at John Lloyd kung ano ang gusto nilang reunion project.

“Naku! Matagal na na­ming hinihintay ‘yan. Napag-uusapan namin ‘yan na ‘Uy! Kailan tayo mag-MMK (Maalaala Mo Kaya)?’ Kahit MMK lang kasi nami-miss ko na siyang katrabaho,” nakangiting pahayag ni Kaye.

Kabi-kabila ang proyektong ginagawa ni John Lloyd ngayon kaya hindi pa raw matuloy ang muling pagtatambal ng dalawa. Kamakailan ay nakapag-guest si Kaye sa sitcom ng aktor na Home Sweetie Home kung saan ay si Toni Gonzaga naman ang katambal ni John Lloyd.

“Busy si Lloydie so hindi maisingit. Hanggang Home Sweetie Home pa lang kami. Sobrang nami-miss ko na siyang katrabaho. Kasi last time na nakatrabaho ko was Tabing Ilog pa, malalim na siyang ak­tor noon. Pero this time iba na siya, so gusto ko siyempre makatrabaho ang Box Office King this time,” giit ng aktres.

Samantala, simula sa Lunes ay mapapanood na ang Two Wives sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Kasama ni Kaye bilang mga bida sa nasa­bing proyekto sina Jason Abalos at Erich Gonzales.

DJ hindi nagsisisi sa naging relasyon nila Direk Wenn ‘hindi lang ako ang nakipagrelasyon sa gay’

Inamin ni DJ Durano na wala na silang relasyon ni Wenn  Deramas ngayon pero nananatili naman daw silang magkaibigan ng sikat na direktor. Madalas na kasama si DJ sa mga pelikula at TV show na ginagawa ni Direk Wenn. Kahit magkahiwalay na nga­yon ay tinutulungan pa rin daw ng box office di­rector si Deejay sa mga pro­yekto nito.

“Natutuwa ako na naintindihan niya (Direk Wenn) ang naging desisyon ko. Magkaibigan pa rin naman kami at forever akong magiging grateful sa mga naitulong niya sa akin,” bungad ni DJ.

Ngayon ay wala raw siyang nararamdamang pagsisisi sa naging relasyon nila ni Direk Wenn. Sana lamang daw ay tigilan na ng ibang tao ang ginagawang panghuhusga sa pagkatao ni DJ.

“Bakit parang ang sama-sama ng tingin nila sa akin? Ako lang ba ang nakikipagrelasyon sa gay? I mean, hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganito ‘di ba? Marami rin naman diyan ah. Bakit ako lang ‘yung parang hinuhusgahan nila,” giit ni DJ.

Masayang-masaya raw ngayon ang buhay pag-ibig ng aktor sa piling ng kasintahang babae at ng teenager na anak sa unang asawa.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BAKIT

BOX OFFICE KING

DIREK WENN

ERICH GONZALES

HANGGANG HOME SWEETIE HOME

HOME SWEETIE HOME

JOHN LLOYD

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with