^

PSN Showbiz

Naglalakihang mga bituin makikisali sa KAINdustriya National Convention ng Puregold

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagsasamahin ng Puregold Priceclub Inc. ang pinakamalalaking bituin ng bansa na pinangungunahan nina Judy Ann Santos, Yeng Constantino, Mitoy Yonting, at Arnel Pineda sa kauna-unahang KAINdustriya national convention na magaganap sa World Trade Center sa Pasay City sa dararting na Oktubre 14 at 15.

Layunin ng KAINdustriya na targetin ang mga miyembro ng HORECA Food Industry na kinabibilangan ng mga hotel, restawran, at cafés at pati na rin ang mga food-related businesses gaya ng mga canteen, catering, food stalls, at local na mga karinderyas. Nasa ilalim ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) program ng Puregold ang KAINdustriya. Labing isang taon nang nagbibigay ng suporta ang TNAP di lamang sa mga sari-sari storeowners ngunit sa mga “prepared food sellers” din.

Itinatag ng Puregold ang KAINdustriya nuong 2012 dahil malaking porsiyento ng mga miyembro ng TNAP ay mula sa mga food resellers. Ibig ipahatid ng KAINdustriya na iparating sa lahat na ang TNAP ay ‘di lamang para sa mga sari-sari storeowners ngunit sa mga miyembro rin ng food industry sector.

Imbitado lahat ng mga food resellers at lahat ng mga miyembro ng HORECA Food Industry sa kaunaunahang KAINdustriya grand convention. Bahagi ng KAINdustriya grand national convention ang mga kapanapanabik ng mga acti­vites gaya ng Ka-Asenso Cook Off Challenge at isang kakaibang Points-Reward-Program kung saan maaaring bumili ang mga miyembro ng mga participating items na magbibigay sa kanila ng puntos upang makakuha ng mga pabolosong KAINdustriya items gaya ng mga apron at iba’t ibang mga cooking equipment. Maghahandog din ang KAINdustriya ng mga murang-murang sangkap at mga cooking equipment at appliances.

Makakapanood din ang mga miyembro ng KAINdustriya ng mga maiinit na production numbers mula sa mga bisitang artista ng convention. Maaari ring makasalamuha ng mga miyembro ang kanilang mga paboritong artista live at in person.

Magkakaroon din ng food and music festival bilang kulminasyon ng convention. Magpe-perfom live sina Yeng, Mitoy, at Arnel ng kanilang greatest hits at pati na rin ang ilan sa mga hottest chart-toppers, party anthems, at homegrown favorites na kinagigiliwan ng lahat ngayon. Ibibida rin ng festival ang mga pangunahin at paboritong mga Pinoy ka­rinderya dishes gaya ng pork adobo, sinigang na baboy, kaldereta, bicol express, menudo, bistek Tagalog, tinolang manok, paksiw na bangus, dinuguan, afritada, pinakbet, giniling/picadillo, mechado, at sarsiadong isda.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa KAINdustriya bisitahin ang opisyal na website ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook, at sundan ang Puregold sa Instagram (@puregold_ph) at sa Twitter (@puregold_ph).

vuukle comment

ALING PURING

ARNEL PINEDA

FOOD

FOOD INDUSTRY

JUDY ANN SANTOS

KA-ASENSO COOK OFF CHALLENGE

KAINDUSTRIYA

PUREGOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with