^

PSN Showbiz

‘Di pa rin nakakapamanhikan Daddy ni Heart ‘di pa raw tanggap na magpapakasal na ang anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang hapon na magsisimula ang bagong drama series ng GMA Afternoon Prime na Ang Lihim ni Annasandra na pinakamapangahas daw na serye ni Andrea Torres.

Pero hindi lang si Andrea ang magpapakita ng kaseksihan dito, kundi pati si Pancho Magno na kung saan gagampanan niya ang role ng isang kargador na hunky hunky ang dating siyempre.

Kaya maingat si Pancho sa mga mga kinakain niya dahil aware naman siya na ang isa sa panlaban niya ay ang ganda ng kanyang katawan.

PAK: Totoo bang nagtatampo ang producer ng pelikulang Ibong Adarna kay Rocco Nacino dahil sa hindi raw ito ganun ka-cooperative sa promo ng naturang pelikula?

Sa Startalk at Sunday All Stars lang yata nakatodo ng promo ang Kapuso actor. Hindi nito nadaluhan ang malaking presscon na ibinigay sa kanya at ang premiere night dahil nasa taping ito ng Hiram na Alaala.

Kahit showing na ang Ibong Adarna, puwede pa rin namang masundan pa ito ng promo ng aktor, pero wala naman pala siya rito dahil kasama raw ni Lovi Poe na nagbakasyon sa Singapore.

BOOM: Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista kung kailan na puwedeng mamanhikan ang senador dahil hindi pa rin pala handa ang Mommy at Daddy ng Kapuso actress.

Sabi ni Heart: “Siyempre kami gusto namin. Pero sabi ng Daddy ko kami na raw muna ang unahin na ayusin ang relationship namin na father and daughter bago ‘yan.”

Hindi kasi maipangako ng kanyang mga magulang na makadalo sa kanilang kasal sa February next year.

Tanggap naman daw nila ang pagpapakasal ni Heart kay Sen. Chiz, kaya lang aminado raw ang kanyang ama na hindi pa rin daw sila handang ma­kita itong nagpapakasal.

“Sabi sa akin ng Daddy ko, hindi pa rin daw handa,” dagdag na kuwento ni Heart.

Pero patuloy pa rin daw ang dalangin ni Heart na sana matanggap na raw ng kanyang mga magulang dahil gusto pa rin daw ni Sen. Chiz na sumunod sa tradisyon na makapamanhikan at ang magulang nito ang mga maghahatid sa kanila sa altar.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

IBONG ADARNA

KAPUSO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with