^

PSN Showbiz

Gandang Ricky Reyes namapak ng lechon Cebu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ugali nang tutukan ng mga mahilig sa usapang pangkalusugan, pangkabuhayan at pangkagandahan ang programang Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ng GMA News TV tuwing Sabado.

Nakatikim na ba kayo ng Lechon Belly (o liyempo ng baboy) na ngayo’y pinagkakaguluhan sa Cebu? Itatampok ito ni Mader Ricky sa programa.  “Parang nakakaadik ang litsong ito. ‘Di nakapagtataka na kahit sandamakmak ang kolesterol nito’y okey lang dahil di mo ito matitigilan hanggang sa huling kagat,” sabi ni Mader.

May idedemong iba-ibang uri ng ehersisyo para sa mga ginoong sa katutungga ng beer ay umaalagwa ang tiyan at nagmumukhang buntis. Nakakabawas ng sex appeal o machismo ang “beer belly.”  Kaya bago lumobo ang tiyan, mag-ehersisyo ka na, pare.

Sa segment na Wonderful World of GRR ay panauhin ang isang balikbayang sumikat sa ibang bansa sa husay niyang mag-make-up na modelo ang isang Gandang RR Salon model. Makalusot kaya sa panlasa ng ating byuti guru ang talent ng cosmetologist?  Abangan!

 Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision.

vuukle comment

ABANGAN

CEBU

GANDANG

GANDANG RICKY REYES TODO

ITATAMPOK

LECHON BELLY

MADER RICKY

WONDERFUL WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with