^

PSN Showbiz

Pero mga iniregalo ipinasoli ng boss TV reporter umaming nakipagrelasyon sa beking malandi!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag may nagaganap na kalamidad sa ating bayan ay palaging nakakaladkad sa mga kuwentuhan ang masaklap na karanasang pinagdaanan nu’ng ng isang news reporter ng isang malaking network.

Spell M (read: may matinding pangangailangan) nu’n ang reporter, marami siyang obligasyong dapat panagutan, kaya kumapit siya sa patalim.

Sabi nga, ang taong nalulunod, kahit sa tingting ay kumakapit. Nakipagrelasyon ang male news correspondent sa isang milyonaryong beki.

Hindi lang ang pambayad niya sa mga kautangan ang ibinigay sa kanya ng madatung na beki, niregaluhan din siya nito ng mga bonggang stuff, tulad ng mamahaling telepono, iPAD, computer set at laptop.

At hindi lang ‘yun. Umalis ng Maynila ang male reporter na iilang damit lang ang kanyang dala-dala, puro luma pa, pero nu’ng nakakailang araw na ang relasyon nila ng mayamang beki ay puro branded na ang kanyang isinusuot.

Buhay-mayaman ang male correspondent, tapos na ang kanyang coverage tungkol sa naganap na kalamidad sa nasabing probinsiya ay hindi pa rin siya bumabalik sa kanilang opisina, kaya nakahalata na ang kanilang hepe.

May naiinggit sa espesyal na kapalarang duma­ting sa news reporter, ini-report nito sa departamento ng malaking network ang mga nagaganap, kaya kinausap nang masingganan ng kanilang news head ang male reporter.

Kuwento ng aming source, “Nabuking ang pagkapit niya sa patalim. Lahat ng iniregalo sa kanya ng powerful at mayamang beki sa probinsiyang in-assign sa kanya, ipinasoli ng boss nila.

 “Binigyan din siya ng disciplinary action, ilang linggo siyang hindi pinagtrabaho, keseho­dang bumagyo man, may bulkang pumutok at kung anu-ano pang kalamidad,” kuwento ng impormante.

Kilalang-kilala ang mayamang beki sa pagi­ging paboloso, kaya pati mga pamosong hunk actors, nagpupunta sa kanyang probinsiya para sa isang gabing pagbibigay ng kaligayahan sa kanya.

Aaaaawwww!!!! Ubos!

Mga alipores ni Nora Aunor nakuryente, taong nagpapakilalang kaibigan nagtarak ng punyal!

GALIT na galit sa amin ni Richard Pinlac ang mga Noranian. Nilait-lait daw kasi namin si Nora Aunor sa aming programa sa radyo (Cristy Ferminute, 4-6pm, 92.3 News FM-AKSYON TV-41) nu’ng nakaraang Huwebes nang hapon.

Maging ang manager ng Superstar na si Boy Palma ay buong-ningning na nagsabing galit sa amin ang kanyang alaga na para bang kung galit nga sa amin ang aktres ay hindi na kami kakain kinabukasan.

Natunton namin ang dahilan kung bakit. Habang umeere pala kami ay abalang-abala naman si Ronald Carballo sa pagte-text kay Boy Palma at kay William Reyes na isinulat ang palpak na kuwento ni Ronald sa PEP.

Naniwala naman si Nora Aunor, si Boy Palma at ang mga Noranians, kaya kung anu-anong pamba-bash ang ginawa ng mga ito sa amin ni Richard sa social media.

Nu’ng Martes nang hapon ay ipinarinig uli namin sa publiko ang TOA (tape on air) ng aming episode nu’ng nakaraang Huwebes kung saan sinasabi ni Ronald Carballo na kung anu-anong derogatory remarks ang ikinabit namin sa pangalan ng Superstar.

Tinawag pa raw naming walang utang na loob si Nora, kesyo pinagalitan pa raw namin ito sa himpapawid, at kung anu-ano pang mga inimbentong kuwento na sinulat naman ni William Reyes.

Palpak na source si Ronald Carballo, wala sa TOA ang mga impormasyong isinubo nito kay William, sa kagustuhan ni Ronald na lumapad ang kanyang makitid na papel kay Nora Aunor ay kami ni Richard Pinlac ang kanyang isinalang sa alanganin nang walang kalaban-laban.

Sa bandang dulo ng programa ay nag-text sa amin si Ronald Carballo na todo ang paghuhugas-kamay. Mali raw ang pagkakasulat ni William sa mga ibinigay nitong impormasyon, hindi raw ganu’n ang kanyang pagkakasabi, problema na nila ngayon ni William Reyes ang aming iiwanan.

Tama. May mga tao talagang nagpapakilala at pumoposturang kaibigan pero hindi naman pala. May mga taong pinakisamahan mo na nga nang mabuti at itinuturing na hindi iba, pero ‘yun pa pala ang magpapahamak sa iyo, ang magtatarak ng punyal sa iyong likuran.

vuukle comment

BOY PALMA

KANYANG

NORA AUNOR

RICHARD PINLAC

RONALD CARBALLO

WILLIAM REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with