^

PSN Showbiz

Jasmine nagpaliwanag sa audio scandal, pero aminadong tuloy ang communication nila ni Daniel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kontrobersyal ngayon ang sinasabing ‘audio scandal’ ni Daniel Padilla na nag-uugnay kay Jasmine Curtis-Smith. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Biopic Bonifacio: Ang Unang Pangulo kaya nagkakilala at nagkaroon ng komunikasyon sina Daniel at Jasmine.

Kinamusta lamang daw ni Daniel ang kondisyon ng ama ni Jasmine na si James Smith dahil nagkaroon ito ng operasyon kamakailan kaya nakapag-text ang aktor sa dalaga. Agad naman daw nagpaliwanag si Jasmine sa kasintahang si Sam Concepcion nang pumutok ang balita. “As soon as it came out, we spoke about it and we made sure to understand each other where it may have been a little, I guess, blurred. The lines between what happened and what was just magnified through opinions of commenters,” pahayag ni Jasmine. “In the end, we still have good communication. So obviously there’s nothing negative with us. We just try to work around things,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, humingi na rin daw ng tawad si Daniel sa ka-M.U. (mutual understanding) nitong si Kathryn Bernardo dahil sa isyu. “Lahat naman tayo, alam naman natin na talagang nalungkot si Kathryn, dahil misunderstanding eh. Na-explain ko na lahat, naintindihan naman niya. ‘Yung yakap na ‘yon (kay Kathryn sa The Naked Truth fashion show) ay talagang nagpapasalamat na pinatawad niya ako. Talagang kami ay back to normal kaya masayang-masaya ako. Wala eh, doon lang ako nagkamali, lalaki ako eh,” makahulugang pahayag ni Daniel.

Juday hinahanap-hanap ang teleserye

Araw-araw nang napapanood ngayon sa telebis­yon si Judy Ann Santos dahil nagsimula na ang season 2 ng Bet on Your Baby na palabas kapag weekdays at I Do naman tuwing weekend. Ayon kay Judy Ann ay hinahanap naman niya ngayon ang paggawa ng soap opera. “Nami-miss ko rin naman. Nagkataon lang na ito ang nakalatag ngayon. Hindi din naman ako nagrereklamo. Masayang-masaya nga ako at least marami akong time for my kids, for my fa­mily at saka ‘yung teleserye kasi ay napag-uusapan pa lang,” nakangiting pahayag ni Juday.

Hindi raw pinagsasabay ng aktres ang paggawa ng game show at serye upang hindi maguluhan ang mga manonood. “’Yun naman talaga ang plano, na ang lahat ng ito, kapag may game show ay hindi na muna magteteleserye. Para hindi maguluhan ang mga tao kung ano ba talaga ‘yung ginagawa ko sa partikular na buwan na ‘yon,” paliwanag ni Juday.

Matatandaang noong isang taon pa nagwakas ang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala kung saan nakasama ng aktres sina Sam Milby at KC Concepcion. Hinihintay pa ngayon ni Judy Ann ang isang magandang materyal ng soap opera upang tapatan o higitan pa ang huling nagawa. “Kasi ang hirap tapatan ng Huwag Ka Lang Mawawala at least for me. Ang taas kasi ng pag-goodbye namin sa Huwag Ka Lang Mawawala. So kailangan kung panibagong teleserye, dapat mas exciting, mas interesting na plot, mas kakapitan ‘yung gano’n at saka mas iba ‘yung ipapakita. So we are just taking our time,” paliwanag pa niya. -Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BIOPIC BONIFACIO

DANIEL PADILLA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

I DO

JAMES SMITH

JUDAY

JUDY ANN

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with