^

PSN Showbiz

Heart wini-wish na makahanap ng magandang wedding venue si Cesca

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Heart Evangelista dahil pagkatapos mag-propose ng kasintahang si Senator Chiz Escudero kamakailan ay tuloy na tuloy na ang kanilang pag-iisang dibdib sa February 15, 2015. Ayon sa aktres ay maraming naging pagsubok sa kanyang buhay kaya excited na rin si Heart na maging Mrs. Chiz Escudero. “I’ve had a lot of heartaches and a lot of frustrations in my career. Madaming mga rejections na pinagdaanan pero dumating ‘yung araw na naging masaya ako and now I’m so happy. I’m engaged sa aking dream guy. Sobrang crush ko siya dati pa tapos ngayon engaged na ako. Kaya importante na maging masaya ka kasi kahit gaano ka kaganda, kahit gaano ka ka-mestiza or mukha kang model pero kung hindi ka masaya, it will show,” paliwanag ni Heart. “It’s very possible to have a happy heart. That’s what I want to share with everybody,” dagdag ng aktres.

Limang buwan na lamang ang hinihintay ng lahat upang masaksihan ang pagpapakasal nina Heart at Senator Chiz kaya abalang-abala na rin daw ang dalaga sa paghahanda para rito. “It’s very good. Almost everyday may meeting ako but ini-enjoy ko naman. At the same time, wala rin ako ginagawa, katatapos lang ng soap ko at saka ng movie ko, so tama lang talaga ‘yung timing. Perfect time,” pagbabahagi ng aktres.

Naging kontrobersyal din ang magiging venue ng kasal nina Heart at Senator Chiz dahil napabalitang nakansela diumano ang pagpapakasal nina Cesca Litton at Tyke Kalaw sa Balesin island upang mapagbigyan ang senador at aktres. “The truth is, it doesn’t really bother me. But then again at the end of the day you still want to wish them well. I hope na maging okay sila and that they find the best destination for them,” giit ni Heart.

Bugoy umaming childish kaya hiniwalayan ng gf

Kahapon sa programang Kris TV ay inamin ni Bugoy Drilon na matagal na raw silang nagkahiwalay ni Liezel Garcia. Matagal-tagal ring naging magkasintahan ang dalawang produkto ng Pinoy Dream Academy. “We are not together po. Last year pa po,” bungad ni Bugoy. Hindi na ibinahagi ng singer kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Liezel. “Ayaw ko sa akin manggaling kasi magiging bias po. We lasted two years po. Sometimes you fall out of love. So it’s better na maging friends kasi kung maaapektuhan lang ‘yung mga nasa paligid ninyo. I admit I’m childish sometimes,” paliwanag ni Bugoy.

Ang mahalaga raw ngayon ay magkaibigan pa rin ang dating magkasintahan. “Pinag-usapan po namin na walang magbabago ano man ang mangyari. Kasi we believe na hindi lahat ng breakups ay pangit. We can make it better kasi we started as friends so we ended as friends so it’s okay,” pagtatapos ni Bugoy.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BUGOY

CESCA LITTON

DREAM ACADEMY

HEART

HEART EVANGELISTA

LIEZEL GARCIA

MRS. CHIZ ESCUDERO

SENATOR CHIZ

SENATOR CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with