^

PSN Showbiz

Nagkaayos na Charice at GF tanggap na ng inang si Racquel?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng halos dalawang taon na hindi pagkikibuan, okey na muli ang mag-inang Raquel at Charice Pempengco at maging ang younger brother ng singer na si Carl.

Nag-ugat ang matinding tampuhan ng mag-inang Raquel at Charice noong isang taon nang aminin ng huli sa publiko ang kanyang sexual preference at maging ang kanyang pakikipagrelasyon sa singer na si Alyssa Quijano.

Ganunpaman, hindi nga talaga ka­yang tiisin ng isang ina ang kanyang anak anuman ang gawin nito.

Tanggap na marahil ni Raquel na hindi na magbabago ang desisyon ni Charice na may kinalaman sa kanyang personal orientation.

Kung magkasundo na muli sina Raquel at Charice, tanggap na rin marahil ng ina ng international singing sensation pati na ang nobya nitong si Alyssa.

Chanda blooming na blooming!

Ibang-iba ang aura ngayon ng veteran actress na si Chanda Romero, isa sa bumubuo ng cast ng bagong serye ng GMA, ang Strawberry Lane. Magsisimula itong mapanood sa ere ngayong Lunes, September 15 pagkatapos ng 24 Oras at makakapalit ng magtatapos na top-rating TV drama series na Niño. Masaya ang actress sa kanyang married life na mag-iisang taon nang kasal sa kanyang U.S.-based husband na si Jose Mari “Mayi” Alejandrino. Ang dalawa ay ikinasal sa pamamagitan ng civil rites ni Mayor Rama ng Cebu sa Casino Español de Cebu noong October 25, 2013 na itinaon sa ika-80th birthday ng ina ni Chanda.  Chanda was 59 and she turned 60 nung nakaraang March 6.  Ito rin bale ang first marriage ever ng actress.

Pitong taon naging magkasintahan sina Chanda at Mayi bago sila nagdesisyong magpakasal last year. Nagkaroon din ng marriage vows ang dalawa na ginanap sa Tierra de Maria Chapel sa Tagaytay City noong May 17.

Boots ayaw tumira sa malaking bahay ng asawa

Ang isa pang masaya ngayon sa kanyang (second) marriage ay ang isa pa sa mga tampok na bituin sa Strawberry Lane TV drama series ng Kapuso Network na si Boots Anson-Roa, who at 69 ay ikinasal  sa isa ring widower na si Atty. King Rodrigo (75) last June 14.

Bago ang presscon proper ng Strawberry Lane na ginanap sa Imperial Palace Suites, sandali na­ming nakatsikahan sa Boots na kahit 69 na ay wala pa ring retoke sa kanyang mukha.

Kahit 75 na ang bagong mister ni Boots na si Atty. King, very active pa rin ito sa kanyang pagiging practicing lawyer at araw-araw umano itong nag-o-office. He also allows Boots na ipagpatuloy nito ang kanyang trabaho hindi lamang bilang pangulo ng MOWELFUND kundi bilang isang aktres.    

Hindi man sabihin, kitang-kita sa mukha ni Boots ang pagiging masaya sa piling ng kanyang bagong mister na nagkataong kaklase sa high school sa Ateneo ng kanyang nasirang mister na si Pete Roa. 

Since malaki ang bahay ni Atty. King, nagdesis­yon si Boots na manatili sila sa kanyang biniling condo. Ang iba’t ibang awards and certificates na natanggap ni Boots ay inilagay na niya sa MOWELFUND Museum dahil ibinenta na rin ni Boots ang kanilang malaking bahay sa Quezon City dahil may kani-kanya nang buhay at pamilya ang mga anak nila ni Pete.

Ikinuwento rin ni Boots na malakas pa rin ang kanyang mother-in-law na mag-100 years old na sa darating na November.

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

BOOTS

CHANDA

CHARICE

KANYANG

RAQUEL

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with