^

PSN Showbiz

Kahit tatlong taon na, Kim Chiu at Xian ayaw pa rin umamin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

We have to commend ABS-CBN’s Star Magic for coming up with a brilliant idea na magkaroon ng taunang Star Magic Ball na walong taon na ngayong tumatakbo. Ang kanilang ika-8th year ay isa na namang sounding success na ginanap sa Shangri-La Hotel in Makati City last Saturday (September 6) evening at dinaluhan ng mga top executives ng Kapamilya Network at ng kanilang mga stars na taun-taon ay nag-i-effort talaga to look at their best.

Tila marami ang na-disappoint nang makita si Sam Milby na hindi kasama si Shaina Magdayao na siyang nali-link sa kanya ngayon.  Dumating si Sam na mag-isa at walang ka-date ganoon din ang drama prince na si Coco Martin.

Scene stealer ang comedian na si Chokoleit dahil dumating itong may dala-dalang life-sized cutout standee ng singer-comedienne na si Pokwang as his date. First social appearance naman ng newly-married na sina Jericho Rosales at Kim Jones at maging sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Dumating din ang mag-asawang Dawn Zulueta at Rep. Anton Lagdameo.  Kung noong isang taon ay si Shaina Magdayao ang ka-date ni Piolo Pascual, this time naman ay kasama niya ang kanyang leading-lady sa Hawak Kamay na si Iza Calzado.  Malabong ma-link ang dalawa dahil may Ben Wintle sa tunay na buhay si Iza .Tatlong taon na ring magka-date ang rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim na hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Paolo nahihirapang bumangon

Nag-resign na pala si Paolo Bediones as news an­chor ng Aksyon Tonite kung saan niya kasama si Cheryl Cosim pero nananatili siya sa public affairs prog­ram na Demolisyon.

Sa kabila ng suporta ng TV5 News Department kay Paolo pagkatapos ma-involve sa sex video scandal, nawalan si Paolo ng credibility sa paghatid ng balita kaya ito na mismo ang kusang umalis. Marami siyempre ang nanghinayang.

Paolo is a talented and respectable person, pero mahirap i-disassociate sa kan­yang pagkatao ang sex video na naging viral kahit pa matagal na itong nangyari.

vuukle comment

AKSYON TONITE

ANTON LAGDAMEO

BEN WINTLE

CHERYL COSIM

COCO MARTIN

DAWN ZULUETA

DUMATING

HAWAK KAMAY

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with