^

PSN Showbiz

Lakas ng loob: Male personality kayang pagsabayin ang misis at kabit na may kapatid na singer sa isang hotel

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ha! Ha! Ha! Ha! Kapag naaalala namin ang mga kuwento ng kalokohan ng isang sikat na sikat na male personality nu’ng kasagsagan ng kanyang pagiging babaero ay tawa kami nang tawang mag-isa.

Kundi kami kilala ng makakakita habang tumatawa kami ay iisipin nitong nasisiraan na kami ng bait, nakapagdududa naman kasi talaga ang pagtawa nang mag-isa lang ng tao, mabuti na lang at tawa lang ‘yun at walang kakambal na pag-iyak.

Nu’n kasing napakahilig pang mambabae ng isang sikat na male personality ay marami siyang karanasan na hanggang ngayo’y naaalala pa ng kanyang mga nakarelasyon.

Malakas ang kanyang loob, magaling siyang pumaraan, sa isang sikat na hotel sa ibang bansa ay nakakaya niyang pagsamahin ang kanyang misis at ang kanyang girlfriend. Nasa right wing ng hotel ang kanyang babae ay nasa left wing naman ang misis niya.

Kapag gusto niyang lumipat sa room ng kanyang girlfriend ay simple lang ang kanyang paalam, meron siyang kamiting sa ibang hotel, naniniwala naman ang kanyang misis sa kanyang kadramahan.

Maglalagi siya nang mahabang oras sa kuwarto ng kanyang second woman, pagkatapos ay babalik na uli siya sa kuwarto nila ng kanyang misis, parang walang nangyaring kahit ano sa loob nang mahabang oras ng kanyang pagkawala.

Kuwento pa ng aming source, “Walang hilig sa social media ang wife niya, walang-walang alam, kaya malakas ang loob niyang makipagpalitan ng messages sa escabeche niya.

 “Minsan naman, e, sa text na lang, du’n sila naglalandian. Sasabihin ng sikat na male personality, ‘Sige na, let’s make a bibi (read: baby),’ sasagot naman ang girl, ‘Ano ka ba, sikat na sikat ka na, bibi ka pa nang bibi d’yan! Baby!’

 “Sasagot na naman ang sikat na sikat na male personality, ‘Uke lang ‘yun! Basta, let’s make a bibi na!’ Non-showbiz ang girl, pero may brother siyang singer, nagtagal din sila,” kuwento ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha! Pero tapos na ang lahat ng bisyo ng sikat na male personality, tinalikuran na niyang lahat, diretsong-diretso na ang tinatahak niyang landas ngayon.

Tapos na ang boksing!

Dumarami na ang nakakapansin Marya para raw na-stroke, ngumingiwi at hindi maibuka ang bibig

Nagbalikbayan ang isang kaibigan namin, napakarami naming puwedeng pag-usapan, pero ang unang-unang inurirat nito sa amin ay kung ano ang pinagdadaanang sakit ni Maricel Soriano.

Ang kanyang kuwento, “One night, my mom talked to me, she said, ‘Can you please ask your friend what happened to Maricel? Look at her, I think she’s undergoing treatment.’

 “Pinapanood kasi ng mom ko ang tele-serye niya sa GMA 7, napansin daw ng mommy ko na parang hirap na hirap magsalita si Marya, parang humihingal na parang hindi maibuka ang bibig niya.

 “Is it because of her dentures, nagpagawa ba siya ng new set of teeth? Nagkasakit ba siya? Bakit parang ngumingiwi siya, bakit parang she cannot open her mouth? Is there something wrong with her?” sunud-sunod na tanong ng aming kaibigan.

Hindi na bago sa amin ang mga ganu’ng tanong, kahit saan kami magpunta ay ‘yun din ang pinupuna ng ating mga kababayan, may nagtanong pa nga sa amin kung na-stroke daw ba si Maricel?

Kung anuman ang dahilan ay maagapan sana agad ni Marya, hindi kasi kumportableng panoorin ang isang artistang parang may dinadalang problemang pisikal, sayang na sayang dahil sabik na sabik pa naman ang publiko na muling masilayan ang husay sa pag-arte ng Diamond Star.

vuukle comment

DIAMOND STAR

KANYANG

KAPAG

MARICEL

MARICEL SORIANO

MARYA

NAMAN

PARANG

SIKAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with