^

PSN Showbiz

Boy Abunda nakiusap sa Diyos... ‘Wag mo pong papayagan na ilibing ako ng nanay ko’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Maraming nakiiyak kay Tito Boy Abunda nang magkuwento siya sa The Buzz kahapon tungkol sa pinagdaanan niyang karamdaman kung saan 300 ml. ang nakuhang nana sa kanyang atay.

Sinabi niyang sobra-sobrang sakit ang naramdaman niya at aminado siyang tinapik siya ng Diyos dahil yumabang siya.

“Ang sakit sakit po ng aking naramdaman. For the first time in my life doon ko naramdaman may episode ho pala na ikaw lang at ang Diyos mo,” sabi ni Tito Boy.

Kuwento niya pa, pinasukan siya ng malaking-malaking karayom para makuha ang nana sa kanyang atay.

“Sa hospital nakiusap talaga ako sa Diyos. Sabi ko Panginoon, ‘wag mo pong papayagan na ilibing ako ng nanay ko.

“Ayokong mamatay.

“Ang hirap isipin na ang nanay kong walang kamalay-malay, hindi magandang isipin na ang kanyang anak ay nakikipaglaban sa sakit,” pahayag ni Tito Boy.

“Lord ‘wag mong papayagan na ang nanay ko ang maglilibing sa akin, hindi ko kaya,” emosyonal na bahagi ng kuwento ni Tito Boy na patuloy pa ring nagpapagaling sa kasalukuyan.

“Sabi ko Panginoong Diyos, ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Bakit ganito na lamang ako ka-passionate, ka driven. Simple lang pala ang sagot, gusto lang mag-trabaho. Gusto ko lang naman na mabigyan ng magandang buhay ang nanay ko.”

Sinabi rin ng doctor niya na hindi niya kaya lahat, hindi siya invisible.

Pinatawad na rin ni Tito Boy ang lahat ng mga nagkalat ng tsismis na namatay siya dahil sa colon cancer.

“Salamat sa inyo na nais sirain ako, pinatatawad ko kayo,” sabi niya na 90% healthy na at malamang na muling mapanood sa The Buzz sa Linggo.

“I’m ok, 90% healthy on my way to grateful and joyful recovery,” sabi ng King of Talk.

May sakit na dementia ang kanyang ina pero nang duma­ting daw siya ng bahay galing ng hospital ay sinabi nitong magpalakas siya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong nagdasal at nasa tabi niya noong oras ng kanyang pakikipaglaban sa sakit.

Hindi sanay ang televiewers na wala si Tito Boy kaya nakakatuwang malaman na magaling na siya at mapapanood na uli.

Hooray for Tito Boy.

Billy nag-overnight sa kulungan, ibang babae ang kasama nang magwala sa police station

Arestado at nakulong ang singer na si Billy Crawford matapos magwala ito sa Taguig City Police station. Ayon sa report ng ABS-CBN.com nabasag nito ang sliding door sa police station dahil sa pagwawala nang dumating sa police station na lasing at parang may gustong i-complain.

“May sinasabi siya pero hindi ko matandaan dahil nasa labas siya. Basta nagwawala siya doon dahil parang nakainom. Inaawat siya ng isang babae namin na pulis. Ayaw magpaawat kaya nauwi sa nabasag niya ‘yung salamin sa sliding door,” sabi sa interview ni Jonathan Aride, chief inspector of the Taguig Police Station 7 sa interview ng DZMM.

“Humingi kami ng responde sa isang mobile namin na mga lalaki para posasan siya. Kasi ayaw niya magpaawat eh. Dalawang babae, desk officer namin [ang naka-duty kanina]. Nasa kabilang area kami dahil meron din kaming insidente sa kabila.

“May babae pero hindi lumapit. Biglang nawala nung naposasan na namin... Isang babae lang ang na-identify na kasama niya. Actually hindi siya nagpakilala kasi nung dumating ‘yung mobile namin, bigla siyang nawala,” kuwento ng chief inspector.

“[Walang physical contact], medyo tulak-tulak lang dahil hinaharangan nga ng mga tao ko para hindi niya mabasag ang salamin kaya lang malakas siya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na banggain ang salamin namin,” patuloy na kuwento nito.

Galing Star Magic Ball si Billy kasama ang girlfriend niyang si Coleen Garcia na lumabas sa mga social media accounts ng magkarelasyon kaya maraming nagtataka kung sino ang sinasabing babaeng kasama ni Billy na sinasabi ng police officer nang pumunta sa presinto.

Dahil sa ginawa ni Billy, ayon pa sa report ng ABS-CBN.com, kakasuhan si Billy ng malicious mischief, resisting arrest, direct assault and disobedience ng mga police na ‘nabiktima’ niya sa kanyang pagwawala.

Mabilis namang dumepensa ang girlfriend niyang si Coleen Garcia na nagsasabing wala namang sinaktan ang kanyang boyfriend.

“Pls don’t believe everything you read. It goes to show that not all sources are 100% reliable. Know the truth before jumping to conclusions.

“As for the “unidentified woman” he was with? He was with 3 of my best friends. And yes, 2 of them are women. No need to put malice in that,” sabi ni Coleen sa kanyang Twitter account.  

Anyway, sa report naman ng GMA News TV, dumating si Billy sa Taguig Police Station 7, na nagwawala at gustong pakulong. Pero sinasabi raw ng mga police na hindi siya puwedeng ikulong dahil wala naman siyang kasalanan. Pero patuloy daw ang pagwawala ni Billy ayon sa report kaya pinusasan ito.

Ibiniyahe ang actor kahapon din sa Camp Crame para sa drug and liquor test.

Isang babae rin daw na nagngangalang Vanessa Marcelo ang bumalik sa Taguig Police Station pero hindi nakuha ng GMA ang pahayag nito.

Magkaiba ang report ng ABS-CBN at GMA kaya hindi mo alam kung anong real story sa pagwawala ni Billy at bakit ibang babae ang kasama niya.

Sa The Buzz kahapon ay nagsalita si Billy na wala siyang kaaway o binugbog. “Kaaway ko po ang sarili ko,” sabi niya.

Aminado rin siyang under the influence siya ng alak at wala naman siyang sinaktan.

“Lahat naman tayo sumasabog, stressed, fatigue,” pag-amin niya.

Ngayong araw lang makakapag-piyansa si Billy kaya nag-overnight siya sa kulungan.

vuukle comment

BILLY

DAHIL

KAYA

NIYA

POLICE

SIYA

TAGUIG POLICE STATION

TITO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with