^

PSN Showbiz

Pagpapakasal ni Cesca umingay dahil kina Sen. Chiz at Heart

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bukod kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, aligaga rin ngayon ang isang pang engaged couple na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evan­ge­lista sa kanilang kasal na nakatakda uma­nong mangyari sa February 15, 2015 sa Balesin Island, isang exclusive membership resort club sa Quezon Province.

Kung hindi pa dahil sa kontrobersiya sa date at venue nina Sen. Chiz at Heart ay hindi pa malalaman ng publiko na ikakasal na rin pala ang isa pang ex-GF ni Jericho Rosales, ang TV persona­lity na si Cesca Litton sa non-showbiz boyfriend nitong si Tyke Kalaw.

Sina Heart at Cesca ay parehong ex ni Echo.

Dingdong at Marian aligaga na sa kanilang kasal

Puspusan ang paghahanda ng magkasinta­hang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ka­nilang nalalapit na pag-iisang dibdib on December 30 na gaganapin sa Immaculate Concepcion Church sa Cubao, Quezon City.  Pero in between ay hindi nila puwedeng pabayaan ang kanilang res­pective showbiz schedules and other commitments. Nariyan ang weekly dance show ni Marian na Marian na extended up to December 6, 2014 at ang tumatakbong Ang Dalawang Mrs. Real ni Dingdong plus his position as Commissioner-At-Large ng National Youth Commission at ang pagpapatakbo ng sarili niyang foundation, ang Yes Pinoy Foundation. Magiging abala rin si Dingdong bilang host ng bagong season ng reality talent search na StarStruck. Nakatakda ring rumampa ang engaged couple sa inaabangang The Naked Truth event ng Bench sa September 19.

 

vuukle comment

BALESIN ISLAND

CESCA LITTON

CHIZ ESCUDERO

DINGDONG DANTES

HEART EVAN

IMMACULATE CONCEPCION CHURCH

JERICHO ROSALES

MARIAN RIVERA

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with