^

PSN Showbiz

Mga Pinoy na manlalaro nagpapakitang-gilas!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang lahat ng mata ay nakatutok ngayon sa ginagawang laban ng ating koponang Gilas sa ginaganap na  2014 FIBA World Cup. At kahit wala pang panalo ang ating kinatawan sa basketball ay maipagkakapuri pa rin natin sila sa lakas ng loob at galing na ipinamamalas nila sa tatlong laro na ang malalaki at matatangkad ang namamayani. Hindi naman nila tayo pinakakain ng alikabok. Nagagawa naman na­ting makipagsabayan sa mga nakakalaban.

Huwag tayong mag-ilusyon na baka  makasorpresa tayo sa FIBA. Tama na ‘yung namamalas na­­tin ang katapangan ng ating mga player para makipagsabayan sa mga foreign players. Ipagbunyi na lamang natin ang efforts nila. After all, hindi lamang tayo ang nagbubunyi para sa kanila kundi ang mga taga-ibang bansa rin na fans ng basketball at nakikita ang galing at lakas loob ng mga manlalarong Pilipino. Mabuhay ang GILAS!

‘Boy bilisan mo ang pagpapagaling’

Mabuhay ka rin, Boy Abunda sa matapang na pakikibaka mo sa iyong karamdaman. Nakakatuwang malaman na you’re on the road to recovery. Bilisan mo ang pagpapagaling. Hinihintay ka na ng mga manonood mo.

Hinay-hinay na lang next time. Don’t  overdo yourself. Hindi mo na kailangan  ng masyadong maraming pera. Mas  mayaman ang isang taong malusog. Enjoyin mo na lang muna ‘yung mga pinagpaguran mo. Mas magiging masaya ka pa, pramis!

Eraserheads may dalawang bagong kanta

Uy, may bagong kanta ang Eraserheads. At hindi lang ito isa kundi dalawa pa. Buti naman, kasi matagal na ring walang follow-up ‘yung mga hits nila. Tulad ng Huling El Bimbo na pati naman ang kaibigan ko at kasamang ko­lumnista dito sa PSN na si Veronica Samio ay kinakanta-kanta pa rin. Pero in fairness to her, marunong naman siyang kumilatis ng isang magandang kanta. Excited na nga siyang mapakinggan ang 1995 at Sabado na sa titulo pa lamang ay alam mo nang may pramis. 

Kaya boys, start na kayo, dali!!!!

vuukle comment

BOY ABUNDA

ERASERHEADS

HULING EL BIMBO

MABUHAY

VERONICA SAMIO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with