^

PSN Showbiz

Dahil sa patuloy na pagkalat ng sex video, Paolo nagtangka raw magpakamatay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Missing in action si Paolo Bediones sa late newscast ng TV5 dahil “on leave” siya.

Ang duda ng mga intrigera, may kinalaman ang pagkalat ng mga private video ni Paolo sa pagkawala niya sa news program nila ni Cheri Mercado.

Hindi naman magiging idle si Paolo dahil may pinagkakaabalahan siya, ang construction ng bagong restaurant business nila ng kanyang mga kasosyo.

 “Punta” ang name ng under construction na restaurant ni Paolo at located ito sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

South America cuisine na may iba’t ibang klase ng sauce at beer below zero ang mga specialty ng bagong negosyo ni Paolo at ng kanyang mga business partner.

Teka, may kumalat kahapon na balita na diumano, nag-suicide si Paolo dahil sa depression na resulta ng mga private video niya.

Huwag paniwalaan ang balita dahil hindi ito totoo. Walang katotohanan ang tsismis na gawa-gawa ng mga tao na may sayad. Hindi ang tipo ni Paolo ang magpapakamatay ‘no!

Uulitin ko, kung nagawa nina Hayden Kho, Jr., Chito Miranda, Wally Bayola, Katrina Halili, at Maricar Reyes na malampasan ang video scandal controversy, si Paolo pa kaya?

Heart maraming kuwento sa pagbabati nila ng kanyang nanay

Asahan ninyo na tungkol sa wedding proposal sa kanya ni Senator Francis Escudero at ang pagkakasundo nila ng nanay niya na si Mrs. Cecile Ongpauco ang mga isyu na sa­sagutin ni Heart Evangelista sa Startalk sa darating na Sabado.

Hindi palalampasin ng Startalk ang pagkakataon na malaman mula mismo kay Heart ang nararamdaman nito ngayon dahil sa mga positive na kaganapan sa kanyang buhay.

Ang reconciliation kaya nila ng nanay niya ang sign na matatanggap na ni Heart ang blessing ng mga magulang para sa coming soon wedding nila ni Papa Chiz? Abangan ninyo ang sagot ni Heart sa Saturday episode ng Startalk.

Murder case ng international car racer, love triangle ang pinagmulan

Shocking ang twist sa murder case ng international car racer na si Enzo Pastor dahil love triangle ang anggulo na tinitingnan at pinag-aaralan ng mga imbestigador.

Nadakip at nakakulong na sa Camp Caringal ang suspect, ang lalake na diumano’y nangontrata sa isang pulis para patayin si Pastor noong June 12.

Wanted din ng mga imbestigador ang misis ni Pastor dahil itinuturing din siya na suspect sa pagpaslang sa kanyang asawa. Walang nakakaalam sa kasalukuyang kinaroroonan ng asawa ni Pastor.

Big news noong June ang nangyari kay Pastor dahil nagdala ito  ng karangalan sa ating bansa at personal sila na magkakilala ng  aktor na si Matteo Guidicelli.

May nakapagsabi sa akin na nangarap din noon si Pastor na pumasok sa showbiz, tulad nang ginawa ni Matteo pero hindi natupad dahil naging abala siya sa mga international competition.           

Ang breakthrough sa kaso ni Pastor ang patunay na patuloy sa pag-iimbestiga ang mga pulis para magkaroon ng hustisya ang pagpaslang sa kanya.

Wish ko lang na mahuli rin ng mga pulis Mandaluyong ang foreigner na umabuso sa 17-year old girl na pilit niya na pinasakay sa kanyang kotse. Mabuti na lang, nakunan ng CCTV ang insidente kaya may chance na madakip ang dayuhan. Huwag sanang magsawa ang mga TV news program sa pagsubaybay sa kaso para mabigyan ng katarungan ang ginawa sa pobreng dalagita.

vuukle comment

CAMP CARINGAL

CECILE ONGPAUCO

CHERI MERCADO

DAHIL

PAOLO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with