^

PSN Showbiz

Aktres na hiwalay sa asawa parang GRO sa pa-dinner ng mayamang negosyante

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikipag-sosyalan na pala sa mayayamang negosyante ang isang aktres na kakahiwalay pa lang sa asawa.

Ayon sa source, nadatnan niya ang actress sa pa-dinner ng isang negos­yante sa bahay nito. Para raw itong GRO sa nasabing party dahil panay ang tsika nito sa mga bisitang mga mayayaman ding negosyante at ilang pulitiko.

At ang napansin ng source, super sexy ang actress na hiwalay sa asawa sa suot nitong blouse at ramdam daw ng source na parang naghahanap ito ng potential dyowa na makapal ang bulsa.

Solo lang daw itong dumating sa dinner at umalis din namang mag-isa.

 

Mag-inang Heart at Cecile nag-iyakan bago nagkaayos?!

Mukhang nagkaiyakan muna ang mag-inang Heart Evangelista at Cecile Ongpauco bago sila nagpa-picture na ipinost ng actress sa kanyang Instagram account.

Maalalang naging kontrobersiyal ang away nilang mag-ina dahil sa relasyon nito kay Sen. Chiz Escudero kung saan nagkaroon pa ng presscon noon para sabihin ang sama ng loob sa anak at sa karelasyong senador bago pa naman mag-election. Nagkalkalan pa ng mga problema nila at pag-ayaw sa senador.

Pero mukhang ibinaon na nila ang nangyari noon. The other day nag-post Heart ng photo nilang mag-ina kasama ang isa pa nilang kapatid.

 

Carlos Agassi buhay na buhay pa rin!

Buhay na buhay at malusog na malusog si Carlos Agassi na ilang beses nang nabalitang namatay dahil sa kidney disease at meron pang na-OD daw ito sa steroids.

Nang makausap namin siya last Saturday para sa ini-endorse niyang undergarments sa Guitar na nagkaroon ng launching ng mga bagong ambassador, walang kahit anong bakas na nagkasakit or may sakit ito.

In fact, super healthy looking at batu-bato pa rin ang kanyang katawan. Six pack abs pa rin ang 34 years old na actor.

Of course, itinanggi niya na nagkaroon siya ganung katawan dahil sa steroids na dekada na yata ang binibilang ng isyung ‘yun pero ikinakabit pa rin sa kanya.

Single pa rin hanggang ngayon ang actor/model after nilang maghiwalay ng kanyang beauty queen girlfriend. Actually, engaged na sila noon pero sa hiwalayan din napunta.

Aminado si Carlos malaking factor ang hindi pagiging favor ng kanyang mother sa ex girlfriend sanang pakakasalan. “At 34, I still listen to my mom. Pag-ayaw ng mommy ko, ayaw ko na rin,” pagkukuwento ni Carlos na matagal-tagal na ring walang regular show sa ABS-CBN kung saan siya nag-umpisa.

Taga-UK ang ex niya na nakasali sa Miss Earth at Miss Resorts World na si Margo Midwinter.  Maaalalang ang buong akala niya noon ay ito ang kanyang perfect girlfriend at future wife pero obviously iba ang nangyari.

Anyway, may ilan-ilang ding programa sa GMA na napanood siya at napili siyang Peace Ambassador ng AFP kasama ang kanyang rap song na Kapayapaan.

Mga huling pelikula niya ang Praybeyt Benjamin, My Amnesia Girl, and Every Breath U Take.

Aside from Carlos, ang iba pang ambassador ng Guitar ay sina Gloc 9, Mark Strielg (mixed martial arts fighter) and Anne Matteo (model and internet personality).

 

Actor na si Emilio Garcia, subdivision developer na

Uy subdivision developer na pala ang actor na si Emilio Garcia. Pero nag-uumpisa pa lang naman daw sila ng ka-partner niyang dating pulitiko sa Laguna. “Noon pa naman talaga ako nagnenegosyo, nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz,” sabi ng aktor na muling mapapanood sa upcoming afternoon series ng GMA 7 na Ang Lihim ni Annasandra topbilled by Andrea Torres as Annasandra and Mikael Daez with Pancho Magno.

Noon daw ay nakapagpatayo siya ng pitong restaurant pero nag-isip siya na mag-abroad na lang sila ng kanyang pamilya – tinarget nila and Canada or Australia – pero hindi natuloy. “Hindi ko na alam kung bakit hindi natuloy,” sabi ng aktor na namayagpag ang career noong kapanahunan niya.

Eighteen years na sa showbiz si Emilio. In fairness ang ibang mga kasabayan niya, wala sa eksena at nagtabaan na. Pero ang aktor na madalas napapanood sa GMA shows, walang masyadong iniba ang hitsura.

Bukod sa sexy roles noon, nakilala ring kontrabida ang aktor, pero sa Ang Lihim ni Annasandra, mabait siyang tatay ng bida at siya ang may hawak ng lihim sa serye. Ka-partner niya rito si Glydel Mercado.

Kahit malaki ang negosyo niya, wala siyang planong iwanan ang showbiz dahil nanghihinayang siya sa kikitain.

Sa halos dalawang dekada niya sa showbiz, 12 major acting awards na ang natanggap niya.

Meron siyang three kids at 17 years old na ang panganay.

Pang-throwback Thursday : Koronang Itim ang first movie niya. Leading man siya noon agad ni Snooky. Ramp model si Emilio bago siya nag-artista.

Magsisimulang mapanood ang Ang Lihim ni A­nnasandra sa October.  

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

CARLOS AGASSI

EMILIO GARCIA

NIYA

NOON

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with