^

PSN Showbiz

Derek gustong kunin ang anak sa dating asawa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinaghahandaan na ngayon ng mga Taclobanon ang pagdating ng Santo Papa sa kanilang lalawigan sa susunod na taon.

 ‘Yan ang inaayos din ngayon ng mag-asawang Mayor Alfred Romualdez at Cristina Gonzales.

Nilinaw nila na walang halong pulitika ang pinaghahandaan nila, dahil nakikipag-coordinate naman daw sila sa kampo ng Santo Papa kung saan niya gustong pumunta.

Tinitiyak nilang hindi magkakaroon ng conflict sa national government, at nakikipagtulungan sila kung saan gustong pumunta ng Santo Papa.

PAK: Tinitiyak ng kampo ni Derek Ramsay na wala siyang kasong kinaharap sa ABS-CBN 2.

Meron kasing nagtimbre sa amin sa Makati-RTC na pumunta raw doon si Derek para harapin ang naturang kaso.

Hindi raw totoo ‘yun sabi ng dating manager ni Derek na si Joji Dingcong.

May ibang hinaharap daw na kaso si Derek na may kaugnayan pa rin sa dating asawang si Mary Christine Jolly.

Bukod sa Anti-Violence Against Women and Children na ikinaso ng dating asawa ay meron pa pala silang hinaharap na ibang kaso kaugnay sa kanilang paghihiwalay.

Kailangan daw harapin ni Derek iyun, pero mas gusto raw niya sanang magkaroon ng sapat na panahon para sa kanyang anak. Kasi magbubukas na raw ang klase, pero nasa Dubai pa rin daw ito. Hindi nila alam kung ano ang plano nitong dating asawa niya.

BOOM: Walang kamalay-malay si Heart       Evangelista na pinlano talaga ni Sen. Chiz Escudero ang proposal sa kanya na ginawa sa kanyang bayan sa Sorsogon.

Talagang nag-absent si Heart sa Startalk dahil kailangan daw niyang pagbigyan ang imbitasyon ni Sen. Chiz.

Iyun pala, nakahanda na ang mga close friends nila na pumunta rin doon para saksihan ang naturang proposal.

Pati ang pamilya ni Sen. Chiz ay nandun na walang kamalay-malay si Heart sa binabalak ng kasintahan.

Nag-post si Heart sa kanyang Instagram account ng text message sa kanya ng kanyang Daddy na “always be happy heart love u”.

Ang caption nito sa naturang post: “To my dad…thank you for loving me the way you do…my perfect morning.”

Ang pagkakaalam namin okay na rin si Heart at ang kanyang Mommy pero mas mabuting hintayin na lang daw ang buong kuwento ng aktres na gagawin niya sa Startalk sa darating na Sabado.

 

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CRISTINA GONZALES

DEREK

DEREK RAMSAY

JOJI DINGCONG

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with