^

PSN Showbiz

KC sa pagkukontrabida inilalabas ang sama ng loob

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi kataka-taka kung maging magaling mang artista si KC Concepcion. Bukod sa tumatakbo sa dugo niya ang kahusayan ng isang artista, sinuportahan pa rin niya ang talentong ito ng isang pag-aaral sa pag-arte na kinuha niya ng madalian sa New York. Ito ang dahilan kung bakit nawala siya pansamantala sa eksena.

Kinukwestyon ng marami ang pagkuha niya ng crash course sa acting dahil bago pa siya nag-aral nito ay nagpamalas na siya ng lalim sa pag-arte. Bukod sa pinahirapan niya ang character ni Judy Ann Santos sa serye nilang Kung Mawawala Ka, nanalo rin siyang Best Actress sa pelikula na ipinagkatiwala sa kanya ni Gov. ER Ejercito na MMFF entry. Kontrabida siyang muli sa Book 2 ng Ikaw Lamang at papantayan niya ng galing, eksena per eksena ni Coco Martin na paghihigantihan ang character ng kanyang amang si Franco na ginampanan noon ni Jake Cuenca noong Book 1 at Christopher de Leon na ngayong Ikalawang aklat. Sinabi ko sa isang mas naunang artikulo ko na mas mahihirapan si Kim Chiu sa kanyang panibagong role with KC being her kontrabida. And true enough sa mga eksena ni Kim na napanood ko nung Martes, nag-i-effort ito na mas mapaganda pa ang kanyang role para hindi mapag-iwanan ng kanyang kontrabida. Cute ang role ni Kim kumpara sa napaka-sensuous na pagganap ni KC.

Overwhelmed si KC sa pagpupog ng papuri sa kanya ng mga manonood.

So much so, na hindi na siya nasasaktan at natatanggap na in stride ang pagbibintang na hindi niya mga kapatid kundi mga anak daw sina Mariel at Miguel.  Bunga ito ng mga tsismis na diumano ay pagbubuntis niya. Mas mahalaga kay KC ang pagtanggap sa kanya bilang isang mahusay na artista. Kahit pa nagdalaga at nag-aral sa abroad, tanggap na rin niya ang kalakaran sa mundo na napili niyang galawan.

Atty. Persida dapat pag-isipan kung iiwan ang mga mahihirap

Mahalaga sa isang tulad ni Public Attorney’s Office  (PAO) chief Atty. Persida Acosta ang mai-consider na senatoriable para sa eleksyon sa 2016. Pero sa mga katulad ko na humahanga sa napakaganda niyang performance bilang tagapagtanggol sa korte ng mga walang yaman, nakalulungkot na isipin na kapag tinanggap niya ang alok na tumakbo para sa Senado ay wala nang manga­ngalaga sa kapakanan ng mga mahihirap pagdating sa aspetong legal. Oo nga at may mapag-iiwanan siya ng kanyang posisyon at trabaho, pero magiging kasing passionate ba nila siya?

Katulad na lamang ng pag-asikaso na ibinibigay niya sa kaso ng mga may pa­milya na namatay  sa paglubog ng barkong  MV Princess of the Stars na noong June 21, 2008 pa nangyari, pero hanggang ngayon ay wala pa ring naku­kuhang mga kabayaran for  damages of property and life ang mga biktima. Ang siste mo pa, mukhang mauuwi sila sa wala dahil ang kasong kriminal na ikina­so nila sa may-ari ng lumubog na MV Princess of the Stars ay ginawa nang isang kasong civil at pinayagan pang makapagpyansa at makalaya ang nasabing nagmama-ari ng barko.

Isabelle at matteo may lampungan

Mukhang matataasan pa ni Isabelle Daza ang naging achievement ng kanyang inang si Gloria Diaz bilang artista. Pawang mga mapaghamong mga roles ang tinatanggap ngayon ng nakababatang Daza at marami nga ang humahanga sa lakas ng loob at galing na ipinamamalas niya sa kanyang mga performances.

Daring ang role niya sa isang pelikula ng Regal Films, Somebody to Love na kung saan ay ka-partner niya sa mga eksena si Matteo Guidicelli. Bagaman at masasabing malawak na ang pag-iisip ngayon ng mga tagahanga, hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tagahanga ng Pop Princess na si Sarah Ge­ronimo ang mga eksena ng boyfriend ng idolo nila at ng anak ng former Miss Universe.

Dahil sa ipinakikitang husay ng bagong artista, handa na ang Regal na bigyan siya ng kanyang launching film na isang horror kasama si Paulo Avelino.

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

BUKOD

COCO MARTIN

ISANG

KANYANG

NIYA

PRINCESS OF THE STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with