^

PSN Showbiz

Kaya may lihim na galit: Francine nahuli sa akto ni Mike Enriquez

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Lalong dumarami ang supporters ng hit na love team nina James Reid at Nadine Lustre na susundan na ng Viva ng isa pang cute na pelikulang Talk Back and You’re Dead.

Sabi ni Nadine, kahit may ibang girls na nali-link kay James okay lang daw sa kanya dahil tingin naman daw niya mas effective ang kanilang tandem kung magkaibigan lang sila at huwag nang paabutin sa inlaban.

Mamaya ay nasa Sunday All Stars sina James at Nadine na magma-mash up ng mga kanta nina Beyoncé at Michael Jackson.

PAK: Hindi raw totoong ia-adopt ni Aiza Se­0guerra ang nag-iisang anak na babae ng girlfriend  niyang si Liza Diño.

Maayos daw ang relasyon ni Liza sa ama ng kanyang anak na una niyang asawa, dahil naga­gam­panan nito ang responsibilidad bilang ama ng kanilang anak.

Sa Amerika naka-base ang ama ng anak ni Liza at dadalo pa nga raw ito sa pagpapakasal nito kay Aiza na gagawin sa Amerika sa October ng taong ito.

Pinag-iisipan pa raw nila kung kilala ba o hindi ang kukunin nilang sperm donor.

BOOM: Marami ang nagtataka bakit tinitira ni Francine Prieto ang Kapuso newscaster na si Mike Enriquez.           

Nag-post ito sa Twitter account niya kamakailan lang na sinasabi niyang kawawa naman daw ang magiging anak kung sakaling ang ama ay ang “panget” daw na si Mike Enriquez.           

Marami ang nag-react at nag-bash kay Francine pero hindi nasindak ang dating sexy star sa mga reaksyong ipinarating sa kanya.

Sa halip na mag-sorry, sinabi pa niya sa kanyang post na mabuti nga raw na panget ang nasabi niya at hindi “pervert”.

Ano raw ang galit ni Francine kay Mike at bakit niya sinasabi ‘yun, na hindi naman siya pinapatulan ng iginagalang na newscaster.

May nagtanong kung naimbestigahan ba ng Imbestigador ang isang insidente ng hulihan na kinasangkutan minsan ni Francine?

vuukle comment

AIZA SE

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

JAMES REID

LIZA DI

MARAMI

MIKE ENRIQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with