^

PSN Showbiz

Yasmien Kurdi at Mickey Ferriols, nawalan ng anak!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gaano kasakit para sa isang ina ang mawalay sa kanyang anak? Paano kung sanggol pa lang ito nang nakawin sa kanya?

Ngayong Sabado sa Mag­pakailanman, alamin ang ku­­wento ni Elvira Bolo, isang babaeng ninakawan ng anak—ng sarili niyang asa­wa. Ang e­pi­sode na ito ay  pi­na­magatang Habang Bu­hay na Maghihintay at pinangungunahan nina Yasmien Kurdi bilang batang Elvira at  Mickey Ferriols bilang matandang Elvira.

Si Elvira ay isang simpleng babaeng umibig, nagkamali, at nagsimulang baguhin ang buhay niya nang harapin ang trahedyang pagnanakaw sa kanyang anak. Paano humantong dito ang buhay ni Elvira? Bakit ninakaw ng asawa niya ang kanilang anak? At paano hinarap ni Elvira ang mga pagsubok ng isang inang gagawin ang lahat para mahanap ang kaniyang anak? Itinatampok din ang nagbabalik Kapuso na si James Blanco, kasama rin sina Chanda Romero, Lorie Mara, JC Tiuseco, Sef Cadayona, Miggs Cuaderno, Jesse Evardone, Sharmaine Santiago, at Denzel Santiago. Mula sa direksyon ni Gil Portes pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.

 

vuukle comment

CHANDA ROMERO

DENZEL SANTIAGO

ELVIRA

ELVIRA BOLO

GIL PORTES

HABANG BU

JESSE EVARDONE

LORIE MARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with