^

PSN Showbiz

Dating pantasya ng bayan na si Via Veloso hindi nakilala sa sobrang katabaan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dinala na kahapon sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa sina Cedric Lee at Simeon Raz, ang mga akusado sa pananakit at serious illegal detention kay Vhong Navarro. Matagal na nanatili sa NBI detention facility sina Lee at Raz. 

SCENE: Ang “trademark close up smile” nina Cedric Lee at Simeon Raz sa harap ng mga television camera nang ilipat sila sa Taguig City Jail mula sa NBI.

SEEN : Ang video footage ng emotional reunion ni Deniece Cornejo at ng kanyang ama na matagal na hindi niya nakita. Parang sinadya na ilabas ang video upang makuha ng mag-ama ang simpatiya ng publiko pero nabigo sila.

SCENE: Sinuportahan ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak ang matinee celebrity screening kahapon ng Once a Princess sa The Block Cinema.

Lead actress ng Once a Princess si Erich Gonzales, ang semi-regular co-host ni Kris sa KrisTV.

SEEN: Look-alike ni Samantha Lopez si Sunshine Garcia sa mga eksena nito sa The Janitor.

Parehong nagsimula bilang mga dancer ang showbiz career nina Samantha at Sunshine.

SCENE: Hindi marunong magtanong sa mga artista ang mga “entertainment blogger” at umaasa lamang sila sa mga itinatanong ng legitimate entertainment writers pero sila pa ang nauuna na mag-publish ng mga article na inaangkin nila, na sila ang nagtanong.

Sanay din sa copy and paste ang karamihan sa mga entertainment blogger.

SEEN: In demand sa mga indie movie ang character actor na si Menggie Cobarrubias dahil mapapanood siya sa Ronda, S6parados, Hari ng Tondo, Hustisya at Mauban: Ang Resiko.

SCENE: Walang close up shot si Cogie Domingo sa Ronda kaya hindi napansin ang special participation niya sa indie movie ni Ai-Ai delas Alas.

SEEN: Hindi nakilala si Via Veloso ng mga nanood ng Sundalong Kanin dahil alaala na lamang ng lumipas ang kaseksihan niya na pinagpantasyahan noon ng mga kalalakihan.

vuukle comment

ANG RESIKO

BLOCK CINEMA

CAMP BAGONG DIWA

CEDRIC LEE

COGIE DOMINGO

DENIECE CORNEJO

SIMEON RAZ

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with