^

PSN Showbiz

Derek may kaso pa pala sa ABS-CBN, makikipagtuos na rin sa asawang nagdemanda

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masayang kinuwento sa amin ni LJ Reyes sa gala night ng The Janitor nung nakaraang Lunes na nag-enjoy nang husto ang anak niyang si Aki nang nilibot niya ito sa Hongkong Disneyland nung nakaraang buwan.

Iyun daw ang birthday gift niya sa kanyang anak na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kamakailan lang.

Nagbigay naman daw ng pabaon si Paulo Avelino para sa kanilang anak na mas na-enjoy daw nito   ngayon kesa nung unang bakasyon nila.

Sabi naman ni LJ, kung sakaling hiramin daw ni Paulo para ibakasyon din sa ibang bansa ang kanilang anak, papayag naman daw siya. Basta ipaalam lang daw sa kanya kung saan sila pupunta.

Wala raw silang problema ni Paulo pagdating sa kanilang anak, dahil gusto raw nilang lumaki ang kanilang anak na hindi nararamdaman na  hiwalay silang dalawa.

PAK: Dumating na pala ang ama ni Deniece Cornejo galing Amerika.

Kaagad na dumalaw ito sa kulungan ng dalaga, at nalungkot daw ito nang nakita ang kinalalagyan ni Deniece.

Tumangging magsalita ang ama ni Deniece at mas gusto raw niyang tahimik na lang muna.

Pero totoo kayang ang lola raw ni Deniece ang tumatawag sa ilang taga-media para ipa-interview ang kanyang anak?

Kaya lang wala silang magagawa dahil ayaw talagang magsalita ng tatay.

BOOM: Marami ang nagulat at nagkagulo sa pagdating ni Derek Ramsay sa Makati Regional Trial Court  kamakalawa ng hapon.

Hindi pala ‘yung kaso na isinampa ng babaeng nagpakilalang asawa niya, kundi iba raw ito.

Kaso pala iyun ng aktor sa ABS-CBN 2 na kailangan niyang harapin pero ngayong araw ay inaasahang babalik uli doon ang aktor dahil sa Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na ikinaso sa kanya nitong nagpakilalang asawa na si Mary Christine Jolly.

May pinaghahandaan na ngayon ang kampo ni Derek Ramsay para ilaban kay Jolly kaya ayaw muna nilang magsalita sa ngayon.

Mukhang may sapat na ebidensya na nilikom ngayon ang legal counsel ni Derek na itatapat nila sa matinding rebelasyong pinasabog nitong si Jolly.

Nakausap namin ang legal counsel ni Derek na si Atty. Joji Alonzo pero wala raw muna siyang sasabihin dahil mabuting naayos nila lahat ang mga ebidensya kung paano pasinungalingan ang rebelasyon nitong diumano’y dating asawa ng aktor.

vuukle comment

ANAK

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

DAW

DENIECE

DENIECE CORNEJO

DEREK

DEREK RAMSAY

HONGKONG DISNEYLAND

JOJI ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with