^

PSN Showbiz

Nag-out of town lang Magka-love team totohanan na ang relasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong kikiligin ang fans ng magka-love team na ito kung totoo ang tsika sa aming for real na ang screen relationship ng favorite showbiz couple nila. May tsikang nag-out of town ang magka-love team at sa trip nilang ‘yun yata sila nag-usap nang masinsinan tungkol sa kanilang dalawa.

Pagbalik after that trip, nag-iba na ang ihip ng hangin, iba na ang mga pahayag ng magka-love team, lalo na ang aktor. He’s trying daw to court the actress at inspiration niya ang ka-love team.

Kapag totoo ang tsinika sa amin, marami ang mandidiwang at baka may magpa-party pa sa sobrang tuwa na nangyari ang dinadasal nila.

Solenn pasok sa dokyu serye ni Alden

Wala naman sigurong kokontra sa title ni Solenn Heussaff na The Other Commercial Queen ng GMA 7 dahil sa rami ng ini-endorse at malalaking account pa. Every month may bago itong endorsement at kahit walang regular soap, busy sa TVC shoot ng mga ini-endorse.

Ang latest ay ang pagkapili sa kanyang newest Calayan Surgicenter endorser at makakapagmalaki si Solenn dahil ipinangalan sa kanya ang facial and body treatment na tiyak gagayahin ng mga gustong magkaroon ng magandang mukha at sexy body gaya niya.

Ang Solenn French Facial na deep-cleansing facial na combination ng hydroxyfacial at gold facial, kung saan, oxygen at 24-karat gold mask daw ang ginagamit sa treatment. Ang may gustong maging kasing sexy ni Solenn, ang Calayan’s Solenn Sexy Laser ang para sa inyo.

Samantala, nabanggit ni Solenn na kasama siya sa cast ng GMA News TV docu series na Ilustrado na bida si Alden Richards as Dr. Jose Rizal.

Christian at Gian tinalo ni Mark

Kabilang sina Christian Bautista at Gian Magdangal sa tinalo ni Mark Bautista sa role ni former President Ferdinand Marcos para sa West End production ng Here Lies Love. Magkakaibigan ang tatlo at magkasama pa sina Mark at Christian sa Sunday All Stars. Nakasama rin nila si Gian nang hindi pa inaalis sa SAS, wala naman siguro silang galit kay Mark.

Sabi ni Mark nang makatsika namin sandali sa SAS, hindi na siya makatulog sa pag-iisip sa nalalapit niyang pag-alis sa August 16 for London para simulan ang rehearsal for Here Lies Love.

Plano sana ni Mark na makapag-release ng single para may song siyang tumutugtog sa radio habang nasa London siya. Plano rin niyang makipagkita kay Rachelle Ann Go na nasa London din at umaariba sa Miss Saigon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG SOLENN FRENCH FACIAL

CALAYAN SURGICENTER

CHRISTIAN BAUTISTA

DR. JOSE RIZAL

GIAN

GIAN MAGDANGAL

HERE LIES LOVE

MARK BAUTISTA

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with