^

PSN Showbiz

Jason Abalos ayaw nang pumasok sa PBB

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB) ay hindi pa maaalala ng manonood na matagal na palang hindi nakikita sa anumamg palabas ng ABS-CBN ang mahusay na aktor na si Jason Abalos. Featured ito sa tatlong huling linggo ng Moon of Desire at bagaman at hindi boto ang mga tagasubaybay niya sa pagganap niya ng role ng kontrabida sa nasabing panghapong serye ay okay na sa kanila ‘yung napapanood siya.

Samantala, Inaabangan din ang magiging hantungan ng relasyon ng aktor kay Vicky Rushton na iniimbita siyang muling pumasok ng PBB house. Pero hindi ko masisisi ang aktor kung tumanggi siya sa alok ni Kuya, dahil mapapanood on national TV ang napaka-private nilang love affair. I’m sure hindi gusto ng aktor na pagpistahan sa TV  ang romansa nila ng girlfriend niya, noh!

Aljur makiki-ride muna sa career ng kapatid

Maraming fans ni Aljur Abrenica ang nalulungkot dahil inaasahan na nilang hindi na ito makikita sa anumang programa ng GMA matapos nitong idemanda ang kanyang istasyon para lang siya mabigyan ng release sa kontrata niya. Ikinalulungkot nila na dalawang taon pa ang kontrata nito sa Kapuso Network kaya may posibilidad na ma-freeze ang kanyang karir habang tumatakbo ang usapin nila sa korte.

Pero nakakita sila ng pag-asa sa pagiging singer ng aktor. Kung wala itong makuhang assignment para umarte magagamit niya ang kanyang boses para hindi siya mawala sa isipan ng mga tagasubaybay ng local showbiz. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga gigs, mananatili siya sa isipan ng lahat at hindi mawawalan ng exposure. Wala naman siguro sa kontrata niya na hindi siya maaaring kumanta at mag-perform sa mga gigs, mag­karo’n ng album promotion, o magkaro’n kaya ang mga concerts.

Tulad ng pinaplanong pagsasama nila ng kanyang kapatid na si Vin Abrenica sa isang concert tour na hindi man para sa kanya kundi para malaki ang maitutulong sa kanyang patuloy na exposure. Si Vin ang kumanta ng theme song ng libro ni Joven Tan na Wala Namang Forever na siya ring titulo ng kanta ni Vin. The younger Abrenica will be promoting both the book and the song at hindi naman siguro bawal na makasama niya sa promo ang sikat niyang Kapuso brother na may malaking problema ngayon sa kanyang network.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

JASON ABALOS

JOVEN TAN

KAPUSO NETWORK

KUYA

MOON OF DESIRE

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with