^

PSN Showbiz

Janella binabantayan kay Marlo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Todo-bantay daw sa mga manliligaw ni Janella Salvador ang inang si Jenine Desiderio. Hindi pa raw kasi pinapayagan na makipag-date si Janella sa ngayon. “Well, she’s just protecting me nga ‘cause she’s been there din sa showbiz and all. So gina-guide niya naman ako. Hindi naman siya super strict. Gina-guide niya lang ako sa mga guys,” nakangiting bungad ni Janella. Samantala, kapipirma pa lamang ng aktres ng kontrata sa Star Cinema. Para kay Janella ay gusto niya ring makapareha sa pelikula ang katambal niya sa Be Careful With My Heart na si Marlo Mortel. “I’m okay naman na ma-partner na naman ako sa kanya. Well siyempre maybe it will be easier, kasi comfortable ako sa kanya. Matagal na kaming magkasama sa Be Careful With My Heart. Siguro kailangan naming mahiwalay ‘yung characters namin kay Nikki and Nicolo (karakter ng dalawa sa serye), dapat maiba,” paliwanag ni Janella.

May bulung-bulungan na isa raw si Marlo sa masugid na manliligaw ng dalaga, pero para kay Janella ay hindi pa niya masasabi sa ngayon kung saan papunta ang kanilang pagiging magkaibigan. “Okay naman at kung paano kami sa camera, in person gano’n din kami,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

Sunshine magpapadalaw na ng mga manliligaw ‘pag seryoso

Makikitang naka-two piece swimsuit si Sunshine Cruz sa kanyang pinakabagong endorsement. Ayon sa aktres ay wala naman daw naging problema sa kanilang tatlong anak ni Cesar Montano ang pagpapaseksi niya sa nasabing proyekto. “Tinanong ko sila, and heto naman after the pictorial, the raw photos pinakita ko sa kanila kasi kumuha ako. Sabi nila, ‘Wow! Mom you are so sexy’. Wala naman silang sinabing masama so ibig sabihin approved naman sila,” natatawang kwento ni Sunshine.

May mga nagsasabing nagpapaseksi na nang todo ang aktres mula nang magkahiwalay sila ni Cesar. “Ang mga tao ang nagsasabi pero wala na ‘yun, tapos na ‘yun. So nakakatuwa, nakaka-flatter na ‘yung mga tao sinasabi na parang walang three kids. Saan daw galing ‘yung mga bata, sexy pa rin daw kahit may tatlong anak, nakakatuwa naman,” pahayag ng aktres.

Aminado si Sunshine na mayroong mga lalaking nagpaparamdam sa kanya ngayon at alam daw ito ng kanyang mga anak. “Meron naman talaga ‘yung mga nangungulit-ngulit and my kids are aware of that. Hindi ko pinapadalaw kung hindi rin lang ‘yun pangmatagalan,” paliwanag ni Sunshine.

Samantala, ang aktres din ang itinuturong dahilan daw ng paghihiwalay nina Ejay Falcon at Yam Concepcion na naging magkarelasyon din. “Naku! Utang na loob, umalis na tayo diyan. Naku! Wala naman akong kinalaman do’n,” giit ni Sunshine. Reports from JAMES C. CANTOS     

                                             

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

CESAR MONTANO

EJAY FALCON

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JENINE DESIDERIO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with