^

PSN Showbiz

Dalawang mag-asawa parehong nagtaksil!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na bago sa mga balita ang kuwento ng isang mister na binendeho ang kanilang mga misis. Pero sa kuwentong tampok ngayong Sabado sa Magpakailanman, ang pambebendeho ni Mister ang magtutulak kay Misis para siya ring magtaksil…kasama ng asawa ng babaeng kinakalantari ng kanyang mister.

Ito ang kuwento ng buhay mag-asa­wa nina Noah at Mae Castillo, mag-asa­wa na may mga pagkukulang sa isa’t isa, mag-asawa na may hinahanap pang ibang magpapaligaya sa kanila. Mga hi­naha­nap na kanilang natagpuan sa da­la­wang taong mag-asawa na rin. 

Paano sila natulak magtaksil? Paano nila itinago ang kani-kanilang mga lihim? At higit sa lahat, paano nila inayos ang kanilang mga pagsasama para magkabalikan ang mga dapat mag-asawa?

Itinatampok sina Rafael Rossell, Jackie Rice, Mike Tan, at ang recently awarded Best Supporting Actress sa FAMAS, Bela Padilla sa kwentong Asawa Mo, Asawa Ko: The Noah and Mae Castillo Story.

Mula sa direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Senedy Que, at sa pananaliksik ni Angel Launo, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (August 2) pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.

vuukle comment

ANGEL LAUNO

ARGEL JOSEPH

ASAWA KO

ASAWA MO

BELA PADILLA

BEST SUPPORTING ACTRESS

JACKIE RICE

MAE CASTILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with