^

PSN Showbiz

Mommy D. hindi nakikinig kay Pacman

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang haba talaga ng hair ni Mommy D. (Aling Dionisia), ina ng boxing hero at kinatawan ng Sarangani Province na si Rep. Manny Pacquiao.

Sa exclusive na panayam kay Pacman (Manny) ni Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying, inamin ng kongresista na may batang nobyo nga­yon ang kanyang inang si Mommy D. - 65 na si Mommy D. at 40 naman umano ang guy. Pero sa isang hiwalay na inter­view kay Mommy D., iti­nanggi nito na may bata siyang nobyo pero sinabi nito na normal lamang umano na magkaroon siya ng mga manliligaw.

Kung si Manny at ang kanyang mga kapatid lamang ang masusunod, ayaw nila sa pakikipagrelasyon ng kanilang ina sa iba laluna sa mas batang ‘di hamak sa kanya. Pero hindi umano nakikinig ang kanilang ina.

Piolo sabik na kay Toni

On January 12 next year ay 38 na ang ulitimate heartthrob na si Piolo Pascual at mag-i-eighteen na rin ang kanyang teenage son na si Inigo.  May usapan ang mag-ama na kapag eighteen na si Inigo ay maggi-girlfriend na si Piolo at open na rin si Piolo na magkaroon ng girlfriend ang kanyang anak.

Nauna nang sinabi ni Piolo na mag-aasawa siya bago umabot sa edad na 40.

Samantala, malamang na magkaroon ng part 2 ang successful team-up nina ni Toni Gonzaga sa Starting Over Again pero may isa pang pelikulang gagawin si Piolo bago ang balik-tambalan nila ng ate ni Alex Gonzaga.

Sa ngayon ay abala ito sa kanyang seryeng Hawak Kamay.

Personal

Belated birthday greetings kahapon, August 1 sa tinaguriang Dean of Entertainment Writers/Columnists na si Manay Ethel Ramos ganundin sa actor-director-producer na si Cesar Montano.  All the best sa inyong dalawa.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALING DIONISIA

ANTHONY TABERNA

CESAR MONTANO

DEAN OF ENTERTAINMENT WRITERS

ETHEL RAMOS

MOMMY D

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with