^

PSN Showbiz

Movie ni Derek hindi apektado sa demanda ng kanyang asawa

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May asawa’t anak na pala si Derek Ramsay na nagdemanda sa kanya sa Makati Prosecutor’s Office and yet parang hindi alintana ng lahat because the actor remains to be showbiz’ most admired hunk na gaya nang pinatutunayan ng  pagiging masigla sa takilya ng Trophy Wife. Isang anti-violence act against women and their children ang kasong isinampa kay Derek ng sinasabing asawa raw niya. Hintayin natin ang sagot ng aktor sa paratang na ito.

Andre pizza lang ang birthday gift kay Barbie

Parehong magdiriwang ng kanilang birth­day nga­yong buwan ng Agosto ang gu­­maganap na magka­patid sa serye ng GMA sa hapon na The Half Sisters sina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Isang simpleng kainan lamang kasama ang kanyang Tween barkada ang pinapla­no ni Bar­bie para sa kan­yang 17th birthday.

Birth­day wish niya na sana’y ma-pack-up nang maaga ang taping nila para magkaro’n ito ng katuparan. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at tanging sa text lamang sila may communication at minsan, wala pa rin ito dahil nga pare-pareho silang busy. Sa birthday na rin niya ibibigay ni Andre Paras ang matagal na niyang inuungot dito na pizza.

“She’s been asking me for this but I always forget it.  Now that it’s her birthday, I will make a point not to forget and bring it to our taping,” anang guwapong kapareha niya sa The Half Sisters.

Pero kung gaano kasimple ang birthday celebration na gusto ni Barbie, isang bonggang coming out party naman ang dalawang buwan nang pinaghahandaan ni Thea. Eighteen na siya sa August 13 at tutulungan siya ng GMA Artist Center para magkaro’n ng isang natatanging debut.

Butterfly ang motif ng party at si Herbert Chavez, ang kinikilalang Pinoy Superman na taga-Laguna rin ang tumahi ng kanyang pink and lavender gown. Merong traditional na 18 roses at merong lahat ng kaek-ekan ng isang debut ang party na dadaluhan ng mga kaibigan ni Thea both from showbiz and out of it. Pero dahil wala siyang boyfriend kung kaya ang kanyang ama ang magsisilbing escort niya samantalang isang tiyuhin naman niya ang makaka-first dance niya.

Solenn nagpo-promote ng gold facial

Wala pala sa Amerika ang kilalang aesthetic/cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan. Impresyon ng marami ay sumunod na ito sa kanyang asawang si Dra. Pie Calayan at sa U.S. na nila ipinagpapatuloy ang kanilang propesyon at matagumpay na negosyong Calayan Surgicenter. Nagulat pa ang lahat nang dumalo si Doc Manny sa pormal na paglulunsad kay Solenn Heussaff bilang endorser ng pinakabagong serbisyo na ibinibigay ng Calayan Surgicenter, ang French Facial. Isa itong paglilinis ng mukha na gumagamit ng pinaghalong hydrofacial at gold facial. Gumagamit ito ng oxygen at 24-carat gold mask para mapanatiling bata at tight ang mga balat ng gagamit nito. Meron ding Solenn’s Sexy Laser na bumabanat ng balat nang walang sakit sa pamamagitan ng radio frequency.

Sa isang pag-uusap matapos ang launching ng kanyang bagong endorser, sinabi ni Doc Manny na wala silang balak na mag-asawa na dun magnegosyo sa abroad.

May TV show na ihu-host si Doc Manny kasama si Jessa Zaragoza sa GMA TV. May pamagat itong Big Heart at magsisimula na ang airing sa September.

vuukle comment

ANDRE PARAS

ARTIST CENTER

BARBIE

CALAYAN SURGICENTER

DOC MANNY

HALF SISTERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with