^

PSN Showbiz

Sarah G: 'May side rin tayong hindi maganda'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tao lamang si Yes! Magazine most beautiful star for 2014 Sarah Geronimo at nagkakamali rin.

Ito ang inamin ni Sarah matapos tanungin kung nagkakamali ba siya sa kabila nang pag-iingat at pangangalaga ng kanyang inang si Mommy Divine.

“Sa totoo lang, ang hirap sa stage ng buhay ko ngayon, I’m 26 years old, nandoon ang pressure, na parang kailangan ganito ka, you have to be independent, and make your own decision at kailangan panindigan mo ‘yan, ganito-ganyan. Ang daming nagsasalita sa utak ko,” paliwanag ng singer-actress kahapon.

“Pero ‘yon na lang talaga, kukuha ka ng kung ano ang pinaka-clear na kung ano ang dapat gawin sa Bible at mga sinasabi ng magulang mo.”

Aniya isa lamang siyang normal na tao na nagkakamali at hindi lamang ito nakikita o napag-uusapan ng ibang tao.

“Siyempre, may mga pagkakamali po ako na hindi nakikita ng public eye. Hindi lahat ng pagkakamali ko ay alam ninyo. Magkakapareho naman tayong lahat. Mayroon din tayong side na hindi maganda,” wika ni Sarah.

“Pero kaya nga po kumakapit ako sa Diyos talaga at pangalawa sa pamilya ko. Kasi, kung tayo lang, puso lang natin o gusto lang natin i-please, hindi talaga natin madi-distinguish kung ano ‘yong tama sa mali.”

Kahit na kilalang bantay-sarado ng kanyang magulang, iginiit ni Sarah ang importansya ng pagkakaroon ng sariling desisyon sa buhay.

“Kailangan din mayroon kang sariling desisyon, kung ano ang pananaw mo sa buhay. Kasi, iba rin po ‘yong alam mo kung sino ka, kung ano ‘yong stand mo, ano ‘yong foundations mo. Kailangan matutunan mo rin para maging independent kang tao.”

Late na

Aminado si Sarah na sa kanyang tumatandang edad ay hindi pa siya handang magkaroon ng sariling pamilya.

Dagdag niya na hindi pa siya handa, ngunit kalaunan ay pupunta rin naman doon.

“Kung gusto kong magkaroon ng pamilya, kailangan alam ko ang mga bagay na ‘yan,” sabi ng The Voice Philippines coach.

“Sa ngayon, wala pa po ako roon. Papunta pa lang po ako. Medyo late na pero okay na ‘yon kaysa naman hindi mo talaga i-brave na pagdaanan,” banggit ni Sarah.

vuukle comment

AMINADO

KAILANGAN

KASI

KUNG

MOMMY DIVINE

PERO

SARAH GERONIMO

VOICE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with