^

PSN Showbiz

Luis umayaw na makasama sina Gob. Vi at Angel

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang laki naman nang pagkilala ng Star Cine­ma sa talent ni Luis Manzano dahil sa pagtanggi nito na makasama sa pelikula ng kanyang inang si Gob. Vilma Santos at nobyang si Angel Locsin. Tuloy, dalawang malalaki at magagaling na aktor ang pinag-aa­ralang kunin para pumalit sa kanya. Ito sina Piolo Pascual at Jericho Ro­sales.

Marami ang nagtataka kung bakit tinanggihan ni Luis ang proyekto.  Bukod sa dalawang pinaka-malapit na babae sa kanya ang makakasama niya, sigurado rin na hindi siya madedehado sa role dahil hindi ito papayagan ng dalawa. O baka nakasentro ang istorya sa dalawang babae at makakaya na ng kahit sinong artistang lalaki na gampanan ito. Pero kung ito nga ang dahilan, bakit sina Piolo pa at Jericho ang kino-consider na ipalit sa kanya, eh malalaking artista din ang mga ito? Mas gustong isipin ng lahat na busy lang si Luis kaya hindi matatanggap ang pelikula.

JC walang problema sa babae

Aakalain mo na sa rami ng proyekto niya sa ABS-CBN at maging sa film arm nitong Star Cinema, nakalimutan na ang maraming Kapamilya na walang masyadong ginagawa at nabaling na ang atensyon ng kumpanya sa kalilipat lang na si JC de Vera.

Matapos makasama sa ma­ta­­gum­pay na seryeng The Legal Wife, kung saan ay gumanap siya bilang walang kupas na manliligaw ni Monica na ginagampanan ni Angel Locsin, muli siyang naging ba­ha­gi ng isang love triangle sa So It’s You na pumagitna sa love story na nagta­tampok kina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Bahagi rin siya ng love triangle nina Meg Imperial at Ellen Adarna sa Moon of Desire, isang panghapong palabas ng ABS-CBN. At kasama rin siya sa ipalalabas sa pelikulang Once A Princess kasama sina Erich Gonzales at  Enchong Dee.

Bagaman at sa kanyang mga pelikula at palabas sa TV ay palagi siyang luhaan sa pag-ibig at napagwawagian madalas ng sinumang makalaban niya ang babaeng hinahangad niya, sa tunay na buhay ay walang ganitong problema ang bagong Kapamilyan actor. Unang-una na, hindi siya pumapasok sa magulong ligawan. Kapag may nauna nang nanliligaw sa isang babaeng magugustuhan niya ay hindi na siya nagtutuloy. Ang huling relasyon niya ay kay Danita Paner pa nung pareho pa silang nasa TV5. Hanggang ngayon wala pa rin siyang ipinapalit dito.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CARLA ABELLANA

DANITA PANER

ELLEN ADARNA

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

JERICHO RO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with