^

PSN Showbiz

Aiza at Liza sure na ang kasal sa Enero, mga ninong at ninang pinoproblema kung makakadalo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa Enero 8, 2015 nakatakdang pakasalan ni Aiza Seguerra ang kanyang nobyang si Liza Diño sa Los Angeles, California. Ito’y naibalita sa amin ng dating child star last Saturday nang kami’y magkita sa studio ng long-running noontime show na Eat Bulaga.

Ano ang significance ng January 8 sa kanila ni Liza, tanong namin kay Aiza.

 “It was the day na naging kami,” paliwanag niya.

Since sa Amerika gaganapin ang civil wedding rites nina Aiza at Liza, hindi siya sigurado kung makakara­ting doon ang gusto niyang kuning mga ninong at ninang tulad nina Vic Sotto, Tony Tuviera, Malou Choa-Fagar at iba pa.

Si Aiza ay produkto ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga when Aiza was only three years old.

Dennis inaapi ni Marjorie at ng sariling mga anak

Hindi na maitago ng komedyanteng si Dennis Padilla ang kanyang sama ng loob dahil sa petition ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto na tanggalin na ang kanyang apelyidong Baldivia sa apelyido ng kanilang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon at gawin na lamang itong Barretto na siyang maiden name ni Marjorie.

Although Barretto ang ginagamit na screen name ng panangay niya kay Marjorie na si Julia, wala raw kaso ito sa kanya dahil screen name lamang ito. Kahit mismo si Dennis ay Dennis Padilla ang kanyang screen name na kanyang isinunod sa kanyang yumaong amang komedyante na si Dencio Padilla pero ang tunay niyang family name ay Baldivia.

Barretto ang tangan na apelyido ng panganay na anak ni Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi na si Daniella.  Siguro, inisip ni Marjorie na isang family name na lamang ang dalhin ng kanyang mga anak lalupa’t matagal na siyang hiwalay kay Dennis at na-annul na ang kanilang kasal.

Hindi ikinakaila ni Dennis na may tatlong taon na siyang hindi nakapagbibigay ng financial support sa mga anak nila ni Marjorie at ito’y sa dahilang wala umano siyang stable na pinagkakakitaan ngayon bilang actor.  Pero hindi naman daw nawawala ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak although hindi nga lamang niya madalas makita ang mga ito.

Apparently, hindi in good terms si Dennis hanggang nga­yon sa kanyang ex-wife na si Marjorie.

Anak ni Niño naki-bonding kina Bossing at Ryzza Mae

Hindi ikinakaila ng child wonder-in-the-making na si Alonzo Muhlach na idol niya sina Bossing (Vic Sotto) at child superstar na si Ryzza Mae Dizon. Ganoon na lamang ang tuwa ng bunso ni Niño Muhlach nang personal niyang makaharap sina Bossing at Ryzza Mae sa Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum last Saturday afternoon kung saan din nakita ni Alonzo ang iba pang bumubuo ng cast (minus Joey de Leon) tulad nina Tito Sen (Sen. Tito Sotto), Ryan Agoncillo, Michael V., Keempee de Leon, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Isabelle Daza, Pia Guanio, Julia Clarete, at Ruby Rodriquez.

Tuwang-tuwa  si Alonzo nang finally makaharap niya sina Bossing at Ryzza Mae. 

“I watch you on TV,” sabi ni Alonzo sa kanyang Tito Vic.

“I’m taller than you,” deklara naman nito sa 9-year old na si Ryzza Mae.

Bukod sa cast ng Eat Bulaga, tuwang-tuwa rin kay Alonzo si Sen. Grace Poe nang makita ang bagets.

Tito Sen. Sanay na  walang alalay at driver!

Bumilib kami kay Tito Sen (Sen. Tito Sotto) sa pagiging simple nito dahil wala siyang alalay at driver. 

Si Tito Sen mismo ang nagligpit at nagbitbit ng kanyang mga gamit pagkatapos ng Eat Bulaga at siya rin mismo ang nagmamaneho ng sarili niyang sasakyan.

 “Matagal na akong ganito,” aniya.

`Yung ibang celebrities kahit hindi pa gaanong kilala at nagsisimula pa lamang  sa showbiz ay todo de  alalay  at  may driver at minsan kasama pa ang stage parents.

 

vuukle comment

AIZA

ALONZO

EAT BULAGA

KANYANG

RYZZA MAE

TITO SEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with