^

PSN Showbiz

Ate Vi hindi pinatulan ang national artist ni Nora Aunor; media banned na sa loob ng Camp Crame!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Kapupulutan ng aral ang pagtanggi ni Batangas Governor Vilma Santos na magbigay ng komento tungkol sa National Artist controversy na kinasasangkutan ni Nora Aunor.

Totoo ang sinabi ni Vilma na  pagbibintangan siya na plastic kapag kumampi at  aakusahan na inggitera kung hindi pabor sa isyu  ang kanyang sagot. 

Scene: Pangungunahan ni Marian Rivera ang pagrampa sa victory party ng 100 Sexiest Women ng FHM Philippines na magaganap ngayong gabi sa World Trade Center. Music icons ang theme ng FHM party.

Seen: Patalbugan ang ABS-CBN at GMA7 sa pangangam­panya para sa kanilang mga programa at contract stars na nominado sa OMG! Awards ng Yahoo! Philippines.

Scene: Binisita ni Erik Santos sa London si Rachelle Ann Go. Excited si Erik dahil panonoorin niya ngayon ang Miss Saigon sa Prince Edward Theater bilang suporta kay Rachelle. 

Seen: Sina Manila City Mayor Joseph Estrada at ang kanyang misis na si Dra. Loi Ejercito sa bail hearing kahapon sa Sandiganbayan ng kanilang anak na si Senator Jinggoy Estrada.

Scene: Ipinagbabawal na ang media sa loob ng Camp Crame kaya hindi na nila matututukan ang mga dumadalaw sa kulungan nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Seen:  Buntis si Louise delos Reyes pero hindi sa tunay na buhay. Buntis ang papel na gagampanan ni Louise sa episode ng Magpakailanman na mapapanood sa darating na Sabado.

Scene: Ang magkasalungat na balita ng ABS-CBN news at GMA7 News tungkol sa tunay na edad ng pumanaw na veteran fashion designer na si Aureo Alonzo.

Eighty four years old si Alonzo ang report ng ABS-CBN at 85 years old ang ulat ng GMA 7. Eighty six years old ang report ng mga broadsheet.

Nakaburol ang mga labi ni Alonzo sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, Parañaque City. Sumakabilang-buhay si Alonzo noong Lunes, July 7.

vuukle comment

ALONZO

AUREO ALONZO

BATANGAS GOVERNOR

BONG REVILLA

BUNTIS

CAMP CRAME

ERIK SANTOS

FUNERARIA PAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with