^

PSN Showbiz

Aktres at karelasyon parang mauuwi sa wala

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Parang sa hiwalayan daw mauuwi ang relasyon ng dalawang sikat na personalidad. Unti-unti na raw kasing nadi-diskubre ng aktres na hindi masyadong magarbo ang pamumuhay ng kanyang kilalang karelasyon kaya hindi raw nakapagtataka kung mawawalan ito ng gana sa BF.

Sanay daw kasi si aktres sa magarbong buhay na panay ang shopping. Eh ang boyfriend daw, nagkukuripot.

Dinig na dinig ng isang witness na nagkukuwento si aktres kung paano siyang gumastos nang magbakasyon sila ng karelasyon. Nagamit daw nito ang dalawang credit card na dala pero nag-e-emote raw ito sa kaibigan niya dahil may mga lugar pa siyang hindi napuntahan dahil wala na nga siyang datung.

Kilala ng isang kausap ko ang kasosyalan ng aktres kaya wag daw magtaka pag nauwi sa wala ang kanilang pagmamahalan na iniingatan.

“Sanay sa simpleng buhay si lalaki. Hindi siya maarte,” say ng source ko sa karelasyon ng aktres.

Well, tingnan na lang natin kung mauuwi sa kasalan o sa wala ang kanilang relasyon.

 

Hayden doctor na uli, Dr. Belo feeling estudyante sa UK

Ni-reinstate na pala ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Certificate of Registration bilang medical doctor ni Hayden Kho. Yes, meaning Dr. Hayden na uli siya officially. Kaya naman agad-agad nag-post sa Instagram account si Dr. Vicki Belo ng copy ng decision ng PRC.

Maalala na natanggalan ng license si Doc Hayden nang kumalat ang sex video scandal nila ni Katrina Halili. Si Sen. Bong Revilla ang nag-file ng petition. Eh kaso nasa loob na ng kulungan si Sen. Bong. Saka minsan na rin naman silang nagsama sa Pilgrimage sa Holy Land kaya siguro nakita na rin ng PRC na wala na silang rason para patuloy na parusahan ang ngayo’y pastor na doctor.

By the way, kung nagma-master ng pagpapa-pastor si Hayden, nag-aaral din ng Apologetics  (Apologetics is the branch of Christianity that deals with the defense and establishment of the Christian faith.  Christian Apologetics is something every true believer should be involved in even if it is only a little –carm.org) si Dr. Belo sa Oxford University sa UK. Hitsurang estudyante talaga ang get up ni Dr. Belo sa inilagay niyang photo sa kanyang Instagram account.

Pareho na kasi silang Christian.

Maalalang nang mag-Holy Land sila, may bitbit na masahista si Dra. Belo at taga-blow dry ng hair para raw maiwasan nilang may mangyari sa kanila dahil hindi nga sila kasal.

Kaya wondering ang iba kung may bitbit ding alalay si Dr. Belo sa UK para walang mangyari sa kanila ni Hayden sa UK.

 

Actress na walang masyadong trabaho, ang daming negosyo

Nagtatanungan ang ilang taga-showbiz kung saan nanggagaling ang datung ng isang dating actress.

Bukod sa buhay mayaman daw ito, aba maraming itong naitayong mga negosyo.

May ilang nagdududa na baka raw galing ito sa kaban ng bayan dahil minsan na rin itong nagkaroon ng koneksyon sa pulitika.

Nung minsan naman daw ay naisipan nitong bumili ng kotse at on the spot, bumili silang mag-asawa ng sports car na almost P2 million.

Wala naman daw masyadong work ang actress pero bongga raw ang lifestyle nito.

vuukle comment

BONG REVILLA

CERTIFICATE OF REGISTRATION

CHRISTIAN APOLOGETICS

DAW

DOC HAYDEN

DR. BELO

DR. HAYDEN

HAYDEN

HOLY LAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with