^

PSN Showbiz

Pagpaparetoke ng mga artista, ordinaryong kuwento na lang

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., ibang-iba na talaga ang panahon ngayon.  Kung noon ay itinatago sa publiko ang pagpapa-retoke ng mga celebrities, ngayon ay ibinabandera na ito.  Katunayan, sila pa ang proud na ibalita ang tungkol sa kanilang mga ipinagawang enhancements sa kanilang mukha at ilang parte ng katawan.

Isa sa proud retokada ay ang singer-actress at stand-up comedienne na si Kitkat, Soraya Ray Lopez Banas sa tunay na buhay.

Hindi ikinakaila ni Kitkat na produkto siya ng sala­mat po, Doc at ipinagmamalaki niya ang kanyang bagong hitsura ngayon. Ipinagawa niya sa Belo Medical Clinic ang kanyang ilong, boobs at arms at 2007 pa umano siya nagpapagawa sa me­dical clinic na pag-aari ni Dra. Vicki Belo.

Halos lahat ng mga kilalang celebrities ngayon ay sumailalim na sa beauty enhancements.

Although maraming celebrities ang obvious na retokada, marami pa rin sa kanila ang hindi ganoon ka-open na aminin ito in public kumpara sa iba na ipinagmamalaki pa nila ang mga pagbabago sa kanilang mukha at katawan.

 

Stress-free na dahil wala nang inililihim, Sarah mas lalong gumanda!

Hindi ikinakaila ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na ang isa sa mga katangiang nagustuhan niya sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli ay ang pagiging matiyaga nito at pagiging respectful sa kanyang pamilya laluna sa kanyang mga magulang.

Come July 25 ay magtu-26 na si Sarah and it’s about time na pasayahin naman niya ang kanyang sarili.

Being a dutiful daughter that she is, hindi naman siguro nangangahulugang pababayaan na niya ang kanyang pamilya ngayong may nobyo na siya.

Magmula nang aminin ni Sarah ang relasyon nila ni Matteo, naging magaan ang kanyang pakiramdam at kitang-kita sa kanyang mukha kung gaano siya ka-inspired ngayon.

 

Robin nagmakaawang huwag ‘patayin’

Ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith ang bida ng kanyang self-titled TV drama series na JasMine sa TV5 kung saan may special participation si Robin Padilla.

Kahit support lamang si Robin sa bidang si Jasmine, importante naman daw ang kanyang role at hindi niya mapahindian ang request ng kanyang manager na si Betchay Vidanes na siya ring manager ni Jasmine, ganoon din ang Content Head ng TV5 na si Wilma Galvante na isang kaibigan.

Ang request lamang ni Robin ay huwag patayin ang kanyang character sa JasMine at pinagbigyan naman siya.

Robin has yet to have a baby sa kanyang se­cond wife na si Mariel Rodriguez pero mas ini-enjoy pa rin nila ang kanilang mala-boyfriend-girlfriend relationship dahil mas sweet pa rin sila sa isa’t isa at masaya silang nagta-travel together at ini-explore ang iba’t ibang lugar at kultura.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BELO MEDICAL CLINIC

BETCHAY VIDANES

COME JULY

CONTENT HEAD

JASMINE CURTIS-SMITH

KANYANG

KITKAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with