^

PSN Showbiz

‘Ashamed of my government’: Nora pumalag na sa ginawang panlalaglag ni P-Noy!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Malakas ang impact ng litrato ni Nora Aunor at ng kanyang suot na black T-shirt na may tatak na “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government.”

SCENE: Laos ang pagsali ni Rosanna Roces sa away nina Raymart Santiago at Claudine Barretto dahil magkabati na ang mag-asawa.

SEEN: Dinumog ng fans ang free concert ni Daniel Padilla para sa Typhoon Yolanda victims sa Leyte Grandstand noong Sabado nang gabi.

SCENE: Ang hinala na tinawag ni Robin Padilla na bakla si Aljur Abrenica dahil nakipaghiwalay ito sa kanyang anak na si Kylie Padilla sa pamamagitan lamang ng tawag sa telepono. Ayaw ni Robin ng mga lalaki na hindi gentleman.

SEEN: Walang reaksyon si Aljur Abrenica sa patutsada sa kanya ni Robin Padilla na kilala sa pagiging gentleman at matapang.

SCENE: Masipag si Megan Young sa pag-promote ng activities ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez. Hindi na kailangan ni Mikael ng official publicist.

SEEN: Nakabalik na ng Pilipinas si Congressman Manny Pacquiao at ang kanyang pamilya mula sa biyahe nila sa Holy Land at Europe. Na-miss ni Manny ang kanyang anak na bunso na si Israel.

SCENE: Kulang sa publicity at ingay ang Fun Run with the Stars project ng Actors Guild na ginanap kahapon sa Luneta at dinaluhan nina Rez Cortez, Bayani Agbayani, Robert Arevalo, Cesar Montano, at Phillip Salvador.

vuukle comment

ACTORS GUILD

ALJUR ABRENICA

BAYANI AGBAYANI

CESAR MONTANO

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DANIEL PADILLA

FUN RUN

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with