^

PSN Showbiz

Gets n’yo ba mga kabayan? Male news anchor makasarili, ni hindi marunong magpa-kain ng staff and crew

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag kakuriputan ng mga kilalang personalidad ang napag-uusapan sa mga umpukang-showbiz ay hindi mawawala sa listahan ang sobrang pagiging kuripot ng isang male news anchor.

Milyonaryo na siya ngayon, pero ayaw yata niyang nababawasan ang kanyang milyones, kaya kapag may mahalaga siyang panayam sa malalayong probinsiya ay kailangang sa produksiyon pa nanggagaling pati ang maliit na halaga lang namang puwedeng-puwede na niyang abonohan.

“Saka makasarili si ____(pangalan ng madatung na news anchor), nagpapabili siya ng food na para lang sa kanya, nagsosolo siya sa sasakyan habang kumakain, wala man lang siyang pabalat-bungang pag-aalok sa mga kasamahan niyang staff at crew.

“At pati mga giveaways na ibinibigay ng mga dinadayo niyang kababayan nating negosyante, hindi niya ipinamimigay ‘yun, iniuuwi niya, para sa kanya lang ‘yun, kahit pa nagbilin na ang ininterbyu niya na para sa lahat ‘yun.

“At kapag Pasko, walang regalo ‘yun sa mga kasa-kasama niya sa trabaho, piling-pili lang ang binibigyan niya, ‘yung mga taong pinakikinabangan lang niya ang may regalo sa kanya tuwing Christmas.

“Ang laman ng kanyang gift bag, mga produkto sa kanilang probinsiya na alam mo namang pagkamumura lang. Mga giniling na kung ano-ano lang na tulad ng kape, cacao, mga ganu’n lang!” napapailing na kuwento ng aming source.

Nagpapakabusog muna ang staff and crew ng news anchor bago sila bumiyahe. Mahirap na nga namang magutom, mag-isa lang kasing kumakain ang kanilang leader, hindi marunong mag-share.

Kaya ang kanilang panawagan ay simple lang. Matuto raw naman sanang maging sensitibo ang news anchor, hindi lang naman ang mga bituka niya ang nawawalan ng laman, nagugutom din ang kanyang mga kasamahan.

Ayos lang ba ‘yun, Kabayan?

Maegan pinanindigan ang pagiging lapastangan

Galit na galit si Maegan Aguilar sa mga manunulat na pumipitik sa kanya. Akala siguro ng alibughang anak ni Ka Freddie Aguilar ay mga engot ang mga reporters para kumampi sa isang bastos na anak na tulad niya.

Hindi nakamamatay ang galit ni Maegan, kung isang tulad lang naman niya ang magagalit sa aming hanay ay welkam na welkam siya, hindi siya karagdagan at lalong hindi kabawasan sa buhay ng mga manunulat.

Hiluhin man kami ngayon ni Maegan Aguilar, ipatawas man kami ngayon ng alibughang anak ng makasaysayang si Kaka ay hinding-hindi pa rin namin siya kakampihan, ang anak ay anak lang at ang magulang ay magulang pa rin na dapat bigyan ng respeto at pagmamahal.

Hindi bale nang magalit sa amin habambuhay ang babaeng ito, hindi bale nang lait-laitin niya kami sa social media, kung ang tao ngang naging dahilan kung bakit naging tao siya ay nagagawa niyang bastusin—kami pa kayang hindi niya naman kadugo ang hindi?

Basta, sa aming libro ay nakakaawa si Ka Freddie dahil nagkaroon ito ng anak na lapastangan, isang anak na walang utang na loob at punumpuno ng galit sa katawan.

TP, Kumpirmadong eere na uli

Kumpirmadong babalik na ang Talentadong Pinoy. Palagi nang napapanood ang teaser ng pag­babalik ng programa sa TV5. Pero kung mapapansin ay wala pang pahimakas man lang kung sino ang magho-host ng talent search.

Si Ryan Agoncillo pa rin ba? Totoo ba ang impormasyong nakarating sa amin na nagpadala na ng sulat si Ryan sa network tungkol sa kanyang pag-urong na i-host uli ang programa?

Kung ganu’n ay sino ang papalit kay Ryan? Meron na bang kinakausap ang mga tagapamuno ng network ngayon para umokopa sa puwesto ng dating host ng show?

Isa ang Talentadong Pinoy sa pinakatinutukang programa ng TV5. Maraming talento ng ating mga kababayan ang sa naturang programa nadiskubre. Marami nang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa himpapawid.

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng programa, pero ang tanong, sino ang magiging host nito?

‘Yun ang kailangan nating abangan.

vuukle comment

ANAK

FREDDIE AGUILAR

LANG

MAEGAN AGUILAR

NIYA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with