^

PSN Showbiz

Derek iba ang sinasabi sa ikinikilos tungkol kay Kris

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kakaiba ang special friendship nina Kris Aquino at Derek Ramsay. They are always there for each other laluna kapag may problema ang isa sa kanila. Marami ang nag-i-speculate na may relasyon ang dalawa pero si Derek na mismo ang nagsabi na pure friendship lamang umano sila ni Kris.

Just a couple of days ago, dinalaw ni Derek si Kris sa set ng Kris TV. Si Derek ay isa sa mga dumamay kay Kris sa bagong pinagdaanan nitong heartbreak sanhi ng short-lived relationship nila ni QC Mayor Herbert Bautista.

Japan paboritong destinasyon na ng mga artista

Alam mo, Salve A., nag-relax na ang Japan Embassy sa pagbibigay ng tourist visa sa mga Filipino na nagnanais na bumisita ng Japan unlike before na talagang pahihirapan ka.

Kapansin-pansin na pawang Japan ang destination lately ng maraming showbiz personalities. Napakaganda naman kasi ng lugar bukod pa sa honest at polite ang mga Japanese ay napakasarap pa ng pagkain dun.

This year lamang naging maluwag ang pagbibigay ng visa ng Japan Embassy sa mga Pinoy (na kaalyansa nila) dahil gusto umanong palakasin ng Japan ang kanilang turismo bilang paghahanda sa nalalapit na Olympics Games na gagapin mismo sa Japan.

Matteo ipinagsisigawan na ang pagmamahalan nila ni Sarah

Masarap ang pakiramdam ngayon ng actor-triathlete na si Matteo Guidicelli nang aminin na ng pop princess na si Sarah Geronimo ang kanilang relasyon. Kung noon ay pigil din si Matteo sa pag-amin sa estado ng kanilang relasyon sa kabila ng mga ispekulasyon ng marami na sila na, ngayon lamang lubos na maaamin ni Matteo na girlfriend nga niya si Sarah.

Pigil noon si Matteo sa pag-amin tungkol sa kanila ni Sarah bilang respeto sa mga magulang mismo ng girlfriend. Pero ngayon ay puwede na niyang ipagsigawan sa mundo kung gaano siya kasaya at hindi na nila kailangan pang ilihim ang kanilang masayang relasyon.

vuukle comment

DEREK

DEREK RAMSAY

HERBERT BAUTISTA

JAPAN

JAPAN EMBASSY

KRIS AQUINO

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with