^

PSN Showbiz

Kahit may mabigat na pinagdaraanan ang pamilya Mayor Erap at Dra. Loi pinairal ang pagka-propesyonal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mama Salve, the who ang Miss Manila candidate na nakita mo na tinata­lakan ng isang baklita habang nasa may comfort room sila?

Hindi ba inisip ng nagtaray na bading na tensyonada na nga ang kandidata, nagdadagdag pa siya ng nerbyos? Kung natalo man ang Miss Manila candidate na tinarayan ng bading, ito ang dapat sisihin dahil hindi niya inilalagay sa lugar ang kanyang galit. Sino ngayon ang nawalan?

Tagumpay na nairaos ang Miss Manila 2014 sa PICC Plenary Hall noong Tuesday night.

Nagpuyat si Manila City Mayor Joseph Estrada at ang kanyang misis na si Dra. Luisa Ejercito dahil tinapos nila ang spectacular program na pinrodyus ng Viva Live.

Ipinakita ng mag-asawa ang pagiging propesyonal. Kahit may mabigat na problema sila dahil sa pagkakakulong sa kanilang anak na si Senator Jinggoy Estrada, umapir pa rin sila sa coronation night ng Miss Manila 2014 na napanood ang delayed telecast sa TV5.

Nakasungkit ng Miss Manila crown na si Krischelle maganda at matalino

Morena ang nag-win ng Miss Manila crown and title, si Krischelle Halili na nag-aaral sa UST at nangangarap na maging doktor.

Walang kumuwestyon sa panalo ni Krischelle dahil deserving siya at napa­katalino.

Marami ang nagsabi na puwede nang sumali uli sa Bb. Pilipinas si Krischelle sa 2015 dahil ang mga katulad niya ang dapat na ipinadadala ng ating bansa sa Miss Universe.

Talent pala si Krischelle ng Aces and Queens ni Jonas Gaffud kaya hindi nakapagtataka na nakuha niya ang Miss Manila crown dahil mahusay mag-train ang grupo ni Jonas.

Feeling winner na!

May nasagap ako na tsismis tungkol sa isang Miss Manila candidate na runner up lang.

Ang kandidata na tinutukoy ko ang pinapaboran na manalo pero umiral ang pagiging over-confident niya.

Hindi pa man daw siya nananalo, feeling Miss Manila na ang projection niya. Sumobra ang tiwala sa sarili ng kandidata at siguradong napansin ito ng mga hurado kaya nabigo siya na masungkit ang korona.

Hindi ko na sasabihin ang name ng talunan na kandidata. Tama na ‘yung nakaramdam siya ng disappointment dahil hindi natupad ang dream niya na mag-win.

Lorna ayaw na sa show nina Carla at Tom?!

Noong June 24 ang 22nd wedding anniversary nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez. ‘Yun ang petsa na ikinasal sila sa Villa Escudero noong 1992.

Hindi nakalilimutan ni LT ang wedding anniversary nila ni Daboy at nagkataon pa na noong Martes din ang presscon ng My Destiny, ang bagong primetime drama series ng GMA 7 na papalit sa Kambal Sirena na magtatapos bukas.

Agnes dela Rosa ang pangalan ng karakter ni LT sa My Destiny. Siya ang gumaganap na nanay nina Carla Abellana at Rhian Ramos na isasaalang-alang ang kaligayahan ng panganay na anak para mapahaba ang buhay ng kanyang anak na bunso.

Si Carla ang eldest daughter at si Rhian naman ang youngest daughter ni LT sa My Destiny.

Hindi nakarating si LT sa presscon ng My Destiny kaya may mga haka-haka na lumitaw. Kung ano ang the truth and nothing but tungkol sa kanyang no-show, kayo na ang bahala na mag-imbestiga.

Sen. Bong at Sen. Jinggoy dinadagsa ng mga dalaw

Dahil Huwebes ngayon, may dalaw uli sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa kulungan nila sa custodial center ng Camp Crame.

Tuwing araw ng Huwebes at Linggo ang pinayagan na pagbisita kina Bong at Papa Jinggoy ng kanilang pamilya. Sigurado ako na nakaabang uli sa entrance ng custodial center ang mga member ng media na nagnanais na mainterbyu ang mga dalaw nina Bong at Papa Jinggoy.

Wish ko lang, hindi na naman ma-misqoute ng media ang mga sasabihin ng pamilya ng mga nakakulong na senador. Please lang, don’t put words into their mouth!

vuukle comment

DAHIL

JINGGOY ESTRADA

KRISCHELLE

MANILA

MISS

MISS MANILA

MY DESTINY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with