^

PSN Showbiz

Mga taga-NCCA at CCP pinagpapaliwanag ang Malacañang!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw ni Gabby Eigenmann magpa-pressure pero hindi raw niya maiwasan dahil first project niya itong Dading na siya ang bida.

Pero base sa AVP na ipinakita nung nakaraang presscon mukhang wagi ito dahil nakakatuwa ang kuwento at  may halong drama pa.

Malaking challenge pa raw sa kanya dahil magaling mag-portray ng kabadingan ang Daddy niyang si Mark Gil at ang kapatid niyang si Sid Lucero. Pero inspired daw siya dahil sa pinuri siya ng kanyang ama at sinasabi raw sa kanyang proud na proud ito sa kanya.

Mamayang hapon pagkatapos ng The Half Sisters magsisimula ang Dading.

PAK: Ewan ko lang kung nataypan ni Aljur Abrenica ang guesting ni Kylie Padilla sa Startalk kamakalawa ng hapon dahil sa mga tanong ni Manay Lolit Solis sa dating kasintahan.

Nagulat din si Kylie dahil wala sa listahan ng mga tanong ang mga itinanong sa kanya ni Manay Lolit.

Pero maayos naman ang sagot ni Kylie at maingat itong hindi makakasakit kay Aljur at sa ilang taong involved.

Consistent pa rin ang sagot ni Kylie na ayaw na niyang sabihin kung ano talaga ang dahilan ng break-up nila dahil marami raw ang madadamay. Malapit pa rin daw sa kanya ang pamilya ni Aljur kaya mananatiling secret daw iyun.

BOOM: Hihingi raw ng paliwanag ang National Commission for Culture and Arts mula sa Malacañang kung bakit hindi isinali sa talaan ng hihiranging National Artist si Nora Aunor.

Nag-text nga raw ang isang iginagalang na National Artist na si G. Bienvenido Lumbera kay Noel Ferrer na nagtataka rin kung bakit naisnab ang Superstar bilang National Artist.

Aniya; “The Office of the President owes the CCP and NCCA an explanation for the insulting disregard of the choice of Nora Aunor for National Artists and other artists to protest this insult to the rigorous process of choosing National Artists.”

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BIENVENIDO LUMBERA

CULTURE AND ARTS

DAHIL

GABBY EIGENMANN

NATIONAL ARTIST

NATIONAL ARTISTS

NORA AUNOR

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with