^

PSN Showbiz

Gerald ayaw na pinag-uusapan sila ni Maja

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kaya napaghihinalaang may problema sa ka­nilang relasyon sina Gerald Anderson at Maja Salvador ay dahil sa napakatahimik nila pagdating sa ka­nilang relasyon. Hindi lamang sila pambihirang mag­salita ng tungkol dito, hindi rin sila demonstrative tulad ng maraming showbiz relationships. Bukod sa bakasyong ginawa nila na magkasama nung bago pa lamang ang relasyon nila ay wala nang nababalitaang pagsasama nila.

“Yun naman talaga ang gusto namin, ang ma­ging pribado ang love life namin. Feeling ko, personal na buhay namin ito kaya ayaw kong pinag-uusapan sa publiko,” paliwanag ni Gerald na okay na rin ang relasyon kay Kim Chiu.

Bunso ni Gary V, nagsimula nang magpakitang gilas

Marami ang matutuwang makita at mas makilala pa ang bunsong anak nina Gary at Angeli Pangili­nan-Valenciano na si Kianna Valenciano sa ga­ga­­­wing pagsali nito bilang interpreter sa Philpop Song­writing Competition 2014. Siya ang kumanta ng entry ni Mike Villegas na pinamagatang Dear Heart. Isa siya sa mahigit sa 10 interpreter na karamihan ay kilala na at matagal nang kumakanta, tulad nina Nikki Gil, Tom Rodriguez, Elmo Magalona, JayR, Duncan Ramos, Young JV, Thor, Kris Lawrence, at marami pang iba.

Ayaw pa sana ni Kianna na maging interpreter sa nasabing songwriting contest, hindi dahil natatakot siya o intimidated sa mga makakatunggali niya, kundi hindi pa niya ramdam na handa na siya. Kung hindi lamang sa pagtutulak sa kanya ng kanyang mga magulang ay baka hindi pa siya nakasali. Pero andun sila mula simula hanggang sa pagri-recording niya ng kanta.

Hindi mahalaga sa mga Valenciano kung manalo man o matalo sa kanyang first competition si Kianna. Ang mahalaga ay na-break na niya ang ice at handa na siya sa mga mas malalaki pang pagsubok sa mga susunod na araw.

Carla itsapuwera na sa pamilya Eigenmann

Para namang hindi ko nakita ‘yung sinabi ni Gab­by Eigenmann na suporta ng pamilya nila ni Geoff Eigenman kay Carla Abellana sa kabila nang paghihiwalay ng dalawa. Idinagdag pa nito na kung hindi man on speaking terms ang dalawang nag-split, kinakausap naman ang aktres ng sinuman sa pamilya nila kapag may pagkakataon. “Sila lamang ang magkagalit, hindi kasama ang pamilya,” anang aktor sa set ng kanyang pinakabagong tele­serye ng GMA na Dading.

Nitong nakaraang birthday ni Carla, nito lamang Araw ng Kalayaan (June 12) ay walang nabasa ni anumang pagbati sa social media ang may kaarawan mula sa alin man sa mga Eigenmann. Hindi bale si Geoff dahil nga magkagalit nga sila. Tuloy naalala ng marami na kahit break na sila ay pinuntahan ni Carla ang birthday ni Geoff.

Pero, sa kabila nito, naging masaya ang birthday ni Carla dahil binati siya ni Tom Rodriguez at nag-dine out sila ng pamilya niya sa Tagaytay.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DEAR HEART

EIGENMANN

GEOFF

SHY

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with