^

PSN Showbiz

Lea at Sarah, gagamitin sina Mitoy at John Lloyd para mag-recruit ng young artists

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila hindi nauubusan ng sari-saring gimik ang coaches ng The Voice Kids para ‘ligawan’ ang young artists na sumali sa kani-kanilang team, at tiyak na mas iinit pa ang labanan sa pagitan ng tatlo ngayong weekend (Hunyo 14-15) dahil ipapatawag ni coach Lea Salonga ang Season 1 grand winner na si Mitoy sa mismong stage para kumbinsihin ang isang bata na umanib sa Team Lea.

Hindi naman magpapakabog diyan si coach Sarah Geronimo dahil gagamitin niyang panangga ang kanyang “bebe” na si John Lloyd Cruz at nangako sa nasabing young artist na ipapakilala niya ito sa aktor kapag siya ang pinili nitong coach. Kaninong gimik ang mas bebenta sa young artist?

Anu-anong pakulo naman kaya ang gagamitin ni coach Bamboo para makumbinsi ang ibang artists na maging bahagi ng Kamp Kawayan?

Tiyak na kaabang-abang din ang Blind Auditions at kwento ng buhay at pangarap ng isang boy performer na anak ng isang dating singer, isang artist na nangangarap na maging Prince of Jazz ng Pilipinas, isang die-hard KathNiel fan, at isang batang nagpapraktis na kumanta habang nakahiga.

Sa patuloy na paghahanap ng best voices ng mga Pinoy bulilit, tuluy-tuloy din ang pamamayagpag ng The Voice Kids ngayong buwan matapos itong tanghaling pinaka-sinubaybayang programa sa bansa noong Mayo, ayon sa datos ng Kantar Media.

vuukle comment

ANU

BLIND AUDITIONS

JOHN LLOYD CRUZ

KAMP KAWAYAN

KANTAR MEDIA

LEA SALONGA

PRINCE OF JAZZ

SARAH GERONIMO

TEAM LEA

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with