^

PSN Showbiz

Dahil bokya kay KC: Paulo ayaw na muna ng love life

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napaka-swerte ni Paulo Avelino dahil nakasama sa isang napakalaking proyekto tulad ng  Sana Bukas Pa Ang Kahapon.  Itinuturing din niyang isang magandang pagkakataon ang makasama ang isang aktres na tulad ni Bea Alonzo na bukod sa pagiging napaka-galing na artista ay very giving pa. Hindi ito madamot at isini-share ang kanyang mga eksena sa sinumang makasama niya.

“Napaka-galing niyang magdala ng nga eksena. Malaking tulong sa akin ang mabilis niyang reaksyon dahil napapaganda namin ang aming mga scenes,” anang aktor na sinasabing, he’s still hurting from a long distance romance.  

 â€œTama na muna ‘yang love, love. Career na lang muna ang aasikasuhin ko. Saka na ang aking puso, kapag  nakita ko na ang babae para sa akin,” sabi niya.

Hindi pa ba si KC Concepcion â€˜yun?

“May iba pa siyang prayoridad  sa buhay, but I will always treasure her ,” anang aktor.

Barbie minamalas sa lalaki

Hindi kaya nadi-depress si Barbie Forteza dahil parang wala siyang swerte pagdating sa love? Ang una niyang ka-love team na balitang naka-close niya even behind the cameras na si Joshua Dionisio has decided to concentrate on his studies at kung tumatanggap man ito ng assignment ay sa Kapamilya Network na bi­­na­likan niya matapos siyang mawala dito ng may ilang panahon din at pumunta ng Kapuso Network.

Ngayon naman ang inililink sa kanya at  ginagawang ka-love team niya na si Derrick Monasterio ay si Yassi Pressman naman daw ang ka-on. Aba, buti na lang at hindi sila ang magka-partner sa The Half Sisters, kundi pihadong magkakaroon ng ilangan sa set. Si Andre Paras ang love interest ni  Barbie sa nasabing panghapong programa na nagtatampok din kay Thea Tolentino.

JC gusto ring magpakilig, ka-partner si Kim Chiu

Feel na feel ni JC de Vera ang akting ni Kim Chiu sa Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo. Bagay na bagay ang  role niya. “Tuloy, napapa-wish ako na makagawa rin ng ganun klaseng movie na bukod sa napaka-light ay nakakikilig pa. Kadalasang ginagawa ko ay heavy drama o sexy drama tulad ng Moon of Desire at The Legal Wife. Sana bigyan naman ako ng ABS-CBN ng mga projects na pam-bagets. Masarap siguro magpakilig ng manonood,” sabi ng aktor.

Julia ‘di na kinakaya ang hirap ng trabaho at gulo ng pamilya

Hindi rin nakaiwas na lumanding ng ospital ang batang artistang si Julia Barretto. Matagal na itong expected dahil bukod sa nerbyos na ibinigay sa kanya ng teleseryeng Mirabella, nasabay pa ito sa away ng kanyang ina at mga tiyahin. Hindi man ito parang ininda ng batang Barretto, marami ang naniniwalang marunong lamang siyang magtago ng kanyang problema at nararamdaman, pero heto at bumigay din ang kanyang murang katawan at kaisipan.

Hindi pa malaman ang sanhi ng pagkaka-ospital ng batang artista, pero marami ang naniniwala na pagod lamang ito na sinabayan ng stress. Ikaw ba naman ang lumagay sa ganyang katayuan, baka hindi lamang sa ospital ang  kababagsakan mo kundi sa sementeryo na. Mabuti na lamang at naging matagumpay ang Mirabella. Naging saving grace ito ng batang artista at nakabawas ito sa malaking alalahanin niya.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA ALONZO

CRUSH MO

DERRICK MONASTERIO

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with