^

PSN Showbiz

Herbert mas pinili ang mga anak, aminadong ‘di kayang ipaglaban si Kris: Kris na-bad trip sa interview ni Herbert; Martin Del Rosario pinagbibintangan ang Kap

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Bigo na naman sa pag-ibig si Kris Aquino dahil mas pinili ni Quezon City Mayor  Herbert Bautista ang mga anak nito.

Sinabi ni Herbert sa live guesting nito sa Bandila noong Biyernes na minahal niya si Kris pero hindi niya maipaglalaban ang kanilang pagmamahalan dahil mahal niya ang kanyang mga anak.

SCENE : Nasira ang bakasyon ni Kris Aquino sa Boracay dahil sa guesting ni Herbert Bautista sa Bandila.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account  ng “You know I am a person & I would be a hypocrite if I pretended to be always positive when sometimes I do get angry. Especially when I’ve kept my quiet for 2 months.”

SEEN : Nagagalit kay Herbert Bautista ang fans ni Kris dahil sa mga pahayag niya sa Bandila.

Comedy ang mga komento ng fans ni Kris na isang prinsipe at hindi si Herbert ang bagay na lalakI para sa kanya.

SCENE : Sa June 21 ang pilot telecast ng Marian, ang dance show ni Marian Rivera sa GMA 7.

Si Paolo Ballesteros ang co-host ni Marian kaya inaasahan na mapapanood sa kanilang show ang impersonation ni Paolo sa mga Hollywood at local celebrity.

SEEN : Hindi kagan­da­han at starlet na starlet ang aura ni Krista Miller sa press­con na ipi­natawag niya noong Biyernes.

Walang nakisimpatiya kay Krista nang umiyak ito habang ikinukuwento na binebentahan lamang niya ng condominium unit ang convicted drug lord na si Ricardo Camata.

SCENE : Successful ang one-night Red Tour concert ni Taylor Swift sa Mall of Asia Arena noong Biyernes.

SEEN : Sina Kim Chiu, Ruffa Gutierrez, Julia Barretto at Michael V. ang ilan sa mga local celebrity na nanood ng concert ni Taylor Swift.

SCENE : Hindi kawalan si Martin del Rosario sa ABS-CBN kaya walang dahilan para siraan siya ng Kapamilya Network dahil lumipat siya sa GMA 7.

Mali ang mga duda na may kinalaman ang ABS-CBN sa  pagkalat ng kissing photo ng dalawang la­lakI na iniuugnay kay Martin.

vuukle comment

BANDILA

BIYERNES

HERBERT BAUTISTA

JULIA BARRETTO

KAPAMILYA NETWORK

KRIS AQUINO

KRISTA MILLER

TAYLOR SWIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with