^

PSN Showbiz

Grand coronation night ng Miss Teen Philippines 2014 mapapanood sa TV5, Jasmine napiling host at hurado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong darating na Linggo, Hunyo 8 ng 9:30 p.m. ipapalabas na sa TV5 ang inaabangang pagtatapos ng kauna-unahan at orihinal na beauty pageant ng bansa para sa mga teenage ladies, ang Miss Teen Philippines.

Ang sikat na aktres, endorser, model, at ang pinagmamalaki ng Kapatid Network na si Jasmine Curtis-Smith ang siyang nag-host kamakailan ng engrandeng Grand Coronation Night ng Miss Teen Philippines 2014. Bukod dito, isa rin si Jasmine sa anim na napiling miyembro ng Miss Teen Philippines Advisory Council, na siyang inaatasang gumabay at magsilbing inspirasyon sa mga kandidato ngayong taon.

Dagdag pa rito, ang mismong First Vice President at Head ng Media5 na si Jane Basas ay nakiisa rin sa pagsuporta ng TV5 sa Miss Teen Philippines 2014, bilang isa sa mga huradong pumili ng kokoronahang dalaga mula sa 40 naggagandahang kandidato.

 Huwag palampasin ang engrandeng pagtatapos ng Miss Teen Philippines 2014 at ang mismong paghirang sa kauna-unahang dalagang mananalo matapos ng pitong taon, na mapapanood na ngayong Linggo, sa TV5!

 

vuukle comment

BUKOD

DAGDAG

FIRST VICE PRESIDENT

GRAND CORONATION NIGHT

JANE BASAS

JASMINE CURTIS-SMITH

KAPATID NETWORK

LINGGO

MISS TEEN PHILIPPINES

MISS TEEN PHILIPPINES ADVISORY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with