^

PSN Showbiz

Kambal ni Zoren at Carmina malaki na rin ang kinikita, apektado sa problema sa BIR?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Thirteen years old na ang kambal na anak ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villa­roel. Mula sa kanilang pagkabata hanggang nga­yong mga teenager na sila ay patuloy pa rin ang kanilang pagiging in-demand bilang celebrity endorsers ng iba’t ibang produkto. 

Bukod sa kumikita, nag-i-enjoy pa ang twins sa kanilang ginagawa lalo na kung kasama nila ang kanilang parents sa commercial na kanilang ginagawa.

Through the years, tumatak na sa isipan ng publiko ang kanilang growing up stage at mga product endorsements na kanilang ginawa at patuloy ginagawa hanggang ngayon.

Sana lang ay hindi apektado ang kambal sa kinahaharap na problema ng kanilang ama sa BIR.

Paulo at LJ maganda pa rin ang relasyon

Kaibigan pa rin ang turing ni Paulo Avelino sa ex-GF na si LJ Reyes  dahil sa kanilang common bond, ang anak nilang si Aki na magpu-four years na ngayong July 24 at nasa kinder school na. Hindi umano nagpapabaya si Paulo sa kanyang pagiging ama kay Aki bagay na ikinatutuwa ni LJ.

Pagpapakamatay hindi natuloy, Coney mas napalapit sa Diyos

Naging malaking rebelasyon sa lahat ang pag-amin ni Coney Reyes na dalawang beses siyang nagtangkang wakasan ang kanyang buhay dahil sa depression pero inakay siya ng Diyos kung kanino malapit ang kanyang puso ngayon.

After more than three decades, muling nagbabalik si Coney sa orihinal niyang tahanan, ang GMA kung saan nagsimula ang kanyang career bilang co-host noon ng now-defunct Student Canteen bago siya naging bahagi ng katapat nitong programa, ang Eat Bulaga.  Nagkaroon din noon si Coney ng weekly drama anthology, ang Coney Reyes Drama Studio at Coney Reyes on the Set. Nalipat naman siya sa bakuran ng ABS-CBN nang kanyang gawin ang Coney Reyes on Camera kung saan siya tumayong  star-producer ng programa.

Daniel pinakamalaki ang kUwarto sa ipinagawang bahay

Masayang-masaya ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla dahil nakalipat na sila sa kanilang eight-bedroom house in Quezon City, na sarili na nila unlike before na nagre-rent lamang sila at nagpapalipat-lipat ng tirahan.

May kani-kanyang kuwarto na silang magkakapatid at pinakamalaki siyempre ang kuwarto ni Daniel na kahit tatlong taon pa lamang sa showbiz, ay nakapagpundar kaagad ng malaking bahay, mga sasakyan at iba pang mga kagamitan na ngayon lamang sila nagkaroon.

May tatlong nakababatang kapatid si Daniel sa mother side at meron din siyang mga kapatid sa kanyang amang si Rommel Padilla kung kanino din siya close.

Since bata pa, malayo pa ang itatakbo ng karera ni Daniel.

vuukle comment

AKI

CARMINA VILLA

CONEY

CONEY REYES

DANIEL PADILLA

DIYOS

DRAMA STUDIO

EAT BULAGA

KANILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with