^

PSN Showbiz

Borgy at Georgina na-realize na kailangan ang isa’t isa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Going strong ang relasyon nina Borgy Manotoc (31) at Georgina Wilson (28) although there was a time, na naghiwalay sila pero muling nag-reconcile.  Nang sila’y magkahiwalay, doon lamang nila pareho na-realize na na-miss nila ang isa’t isa kaya sila muling nagkabalikan. Four going five years nang mag-steady sina Borgy at Georgina pero wala umano sa immediate plans nila ang pagpapakasal. Ang mahalaga umano ay masaya sila sa kanilang relasyon at pareho nilang ini-enjoy ang isa’t isa.

Borgy admits na very close umano si Georgina sa kanyang inang si Gov. Imee Marcos at sa kanyang lola na si Rep. Imelda Romualdez-Marcos.

Dumalo si Georgina sa launching ng pabangong ini-endorso ni Borgy sa Bench noong isang Linggo.

Dahil sa Star Magic, Kapamilya hindi nauubusan ng mga sikat

Walang alinlangan na ang Star Magic ng ABS-CBN ang may pinakamalaking stable ng talent ma­nagement company na nakapag-produce at patuloy pang nagpu-produce at nagdi-develop ng mga raw talents upang maging malalaking pangalan sa industriya. In their 22 years in the industry, napakarami na nilang talents na napasikat. Although marami na rin ang nawala sa stable ng Star Magic, patuloy naman sila sa pagtuklas at pag-develop ng mga baguhan upang tanghaling malalaking pangalan sa hinaharap.

Sa ASAP 19, last Sunday, nagmistulang bumaba mula sa langit ang malalaking stars ng bansa.

Ang Star Magic ang dahilan kung bakit hindi nawawalan ng major stars ang mga programa ng Kapamilya Network at maging ang kanilang film arm, ang Star Cinema at maging ang kanilang record label, ang Star Records.

GMA maraming pakikinabangan sa Walang Tulugan

Sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang dalawang teen stars sa inaasahang magiging major stars ng GMA. 

Kung tutuusin, maraming aspiring stars ang GMA. Sa stable lamang ng mga young talents na idini-develop at bini-build-up ng master showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang programang Walang Tulugan with the Master Showman, maraming pakikinabangan ang GMA.  Marami sa young ta­lents ng Walang Tulugan…. ay may potential na tanghaling malalaking stars balang araw at ehemplo na rito ang young actor na si Jake Vargas na original talent at build-up star ni Kuya Germs sa kanyang Walang Tulugan with the Master Showman program.

vuukle comment

ANG STAR MAGIC

BIANCA UMALI

BORGY

BORGY MANOTOC

GEORGINA

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

STAR MAGIC

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with